VERY overwhelmed si Georgia dahil sa mga papuri nina Keandrix sa kanya for a job well done. Sa isang linggo nitong training ay maayos na nagampanan iyon ng dalaga. Napatunayan nitong fast learner nga siya bagay na hinangaan sa kanya ni Keandrix at ang buong kumpanya. Puwede na talagang isabak si Georgia sa labanang personal secretary ng isang boss at kumpanya. "We are preparing our documents dahil babalik na tayo sa Pilipinas bukas. At alam kong handa ka na, right?" sabi ni Keandrix habang nasa golf gym sila at siyempre kasama nila si Iñigo. "Ha? Nasorpresa naman ako, akala ko hindi pa handa mga documents para sa pagbalik natin." Gulat na sagot ni Georgia. "Sorry, hindi ko na yata nasabi sa'yo. Ginawan ko na nang paraan as much as possible kasi ay ayaw kong sanaying pinapagalaw ang akin