NAPAKARAMING tao sa anniversary party ng mga magulang ni Beverly. Talagang isinama ni Keandrix si Georgia sa naturang pagtitipon na iyon. She's wearing a burgundy long dress na may slit sa left leg niya. Tubeless iyon at kita ang maganda niyang cheeks bones at makinis na likod. May konting buhok sa magkabilaang side ng mukha niya while her long hair was lift up in a round angle. Ipinaayos kasi siya ni Keandrix sa suki nitong make up artist na ayaw sana ni Georgia subalit ang binata pa rin ang siyang nasunod. Hindi na rin nagreklamo pa ang dalaga dahil gusto rin naman niyang sumama at lihim itong masayang-masaya dahil para nga silang couple na very inlove towards each other dahil sa makikitang sweetness gesture nila. Parating nakaalalay kasi si Keandrix kay Georgia habang ang falaga naman a