Revenge-2

1433 Words
"Ava, wala akong ginagawang mali sa kompanya, si Dad ang may mataas na expectation sa company. Ang gusto niya makipag sabayan na sa malaking kompanya, eh hindi pa naman talaga kaya," saad ng Kuya Juancho niya nang sadyahin ang kapatid para alamin ang dahilan ng maagang pag-aaway nito at ng Daddy nila. "Di sana hinayaan mo na lang siya at hindi pinatulan," tugon niya sa kapatid. "Ava, sinabi ko lang sa kanya ang totoo. Hindi pa talaga kaya ng kompanya ang makipagsabayan sa mga higante," tugon ng kapatid niya na nakayuko at nakatuon ang atensyon sa papeles na nasa harapan nito. Humugot sita ng malalim na paghinga. Kung ano ang ugali meron ang Daddy nila ganoon rin ang Kuya niya. Pareho lang ng pag-uugali ang dalawa tapos hindi pa magkasundo. "Pag pasensya mo na lang si Daddy, alam mo naman na lahat ng ginagawa niya ay para rin naman sa atin," seryosong saad niya sa kapatid. "Ano pa nga ba. Kaya nga lahat tayo kinokontrol niya,' iling ulong tugon ng kapatid sa kanya. "Anyway, Ava kakilala mo ba ang bagong lipat sa tabi ng bahay natin?" Tanong ng Kuya niya sa kanya. Napakunot siya ng noo at napaisip. Naalala ang lalaking nakita niya kanina na nag da-drive ng mamahaling kotse papasok sa loob ng gate. Para kasing nakita niya si Harvey. Pero syempre parang imposibleng makita pa niya si Harvey sa bayan ng San Juan. Limang taon na rin kasi mula ng umalis ng San Juan si Harvey at iyon na ang huling pagkikita nila. Wala na siyang balita rito pati ang Kuya niya na kaibigan noon ni Harvey ay wala na ring balita kay Harvey. "Hindi, Kuya. Bakit?" Tanong niya rito. "Wala naman paglabas ko kasi kanina nakatanggap ako ng invitation. May pa house blessing daw ang bago nating kapitbahay at invited tayo," paliwanag nito sa kanya. "I see. May idea ka ba Kuya kung sino ang bago nating kapitbahay?' She asked. Iniling ng kapatid ang ulo nito at sinulyapan siya. "Wala eh. Alam mo naman na mahigpit sa security ang De La Cerna Subdivision. Hindi mo basta-basta maitatanong sa kanila kung sino ang bagong homeowners ng subdivision,' tugon nito sa kanya. Tumango siya rito. "Pero may balita na ang may-ari sa bagong malaking mall sa kabilang bayan ay siya din daw may-ari sa mala mansyon na bahay sa tabi natin,' saad ng kapatid. "Wow.. Kung ganon hindi pala biro ang magiging kapitbahay natin," saad niya sa kapatid. "Yes. At nais ni Dad na umattend tayo mamayang gabi, dahil may proposal siya sa businessman na may-ari ng bahay,' saad ng Kuya niya at nagtaas pa ng kilay. Isa pa sa nakakainis na pag-uugali ng kanyang ama, ay nais nitong dikitan lahat ng mayayamang tao sa bayan nila. Lahat na lang nais niyang bigyan ng proposal sa mga business nila. Mayaman naman na sila at para sa kanya sapat na iyon. Iyon nga lang ang Daddy niya parang kulang na kulang pa at nagnanais pa ng mas malaki. "Ano pa nga ba. Basta maamoy ni Dad na businessman iyan tiyak na hindi niya palalampasin," iling ulong saad niya sa kapatid. "So, are you in?" Tanong ng kapatid. "Saan? Sa party? Naku huwag na. Alam mo namang allergic ako sa mga ganyang event," agad niyang tanggi sa kapatid. "Single daw at bata pa ang bago nating kapitbahay, according kay Daddy. At tiyak na pipilitin ka niyang umattend," saad ng kapatid. "Magdadahilan na lang ako," saad niya at hindi na rin nagtagal pa sa opisina ng kapatid. Nagpaalam na siya rito para masimulan na ang kanyang trabaho. Habang naglalakad siya sa hallway patungo sa sariling opisina niya, panay bati sa kanya ng mga staff na nakakasalubong niya. Kilala siya bilang anak ng may-ari, kaya mabait sa kanya ang bawat staff ng kompanya. Pagpasok sa opisina agad siyang pumuwesto sa may salaming bintana, hinawi ang makapal na kurtina para tignan ang magandang tanawin sa labas ng kanyang bintana. Mula kasi sa mataas na kinatatayuan niya nakikita niya ang ganda at asensadong bayan ng San Juna. Maraming nagtataasan na mga building sa bayan, kaya masasabing asensado ito. Nare-relax siya sa tuwing tumitingin siya sa labas. Hindi kasi magulo at walang polusyon sa labas. Lahat ng tao sa bayan nila ay may desiplina. Naupo na siya para simulan ang kanyang trabaho nang biglang bumukas ang kanyang opisina at sumilip ang Daddy niya. "Dad," bulalas pa niya dahil hindi niya inaasahan ang pagpunta nito sa opisina niya. "Good morning, hija," bati ng Daddy niya nang makapasok na ito sa loob. Agad na rin siyang tumayo para salubungin ang ama. "Good morning po Dad," magalang niyang bati sa ama sabay yakap rito. "Kumusta naman ang trabaho?' Tanong nito habang paupo sila sa sofa. "Ok naman po Dad. Magsisimula pa lang," tugon niya sa ama. "Gusto niyo po ba ng coffee or tea?' Alok niya sa ama. "No, no. I'm ok. Nag breakfast ako kanina sa bahay kasabay ang Mommy mo at si Avie," tanggi nito. Tumango naman siya. "Anyway, may sadya ako sa iyo Ava,' saad ng ama nang maupo siya sa katapat nitong sofa. "Ano po iyon Dad?' Tanong niya. "Napansin mo siguro na iyung bagong bahay sa tabi natin ay tapos na," saad nito. Tumango siya sa ama. Mukhang ang tungkol sa house blessing ng kapitbahay nila ang tinutukoy ng ama. "We're all invited tonight. And I think magandang pagkakataon ito para makilala natin sila. Lalo na't ang may-ari daw ng bahay na iyon ang nagmamay-ari sa malaking mall sa kabilang bayan," paliwanag ng ama sa kanya. Bakas sa mukha nito ang excitement. At nakikita lang niyang ganito ang Daddy niya pagdating sa negosyo. "Wow, that's good," tanging tugon niya. Wala kasi siyang masabi rito. Lalo na't hindi niya nais na magpunta sa party. "Gusto kong umattend tayong lahat mamayang gabi," saad ng ama. "Oh.. Eh Dad kasi po may-" "Cancel all your plans tonight. This is more important. Lalo na pagdating sa negosyo natin. We need a strong ally for our growing businesses," her dad said. "But, dad-" "Ava know your priority," may diing saad ng ama sa kanya. Sa ikalawang pagkakataon hindi siya nito pinatapos sa sasabihin niya. "Ah...,' tanging nasabi niya. "Wear your best tonight, Ava. Balita ko rin single ang bago nating kapitbahay," saad ng ama sa kanya sabay ngiti. Hindi siya kumibo. Wala siyang naging ekspresyon rito. Tiyak naman kasi ano man ang sabihin niya ay hindi uubra sa ama. Kilala ang Daddy niya na laging nasusunod sa kanilang tatlong magkakapatid magkapatid. Ano man ang gusto ng ama ay siyang dapat masunod. Kung sino man ang sumuway tiyak na magsisisi. Matapos ang pag-uusap nila ng ama agad na rin itong nagpaalam at lumabas na ng opisina niya. Nagbuga siya ng hangin at mariing pinikit ang kanyang mga mata. Twenty-two years old na siya pero hanggang ngayon wala pa rin siyang sarilinh desisyon. Walang pinagkaiba sa Kuya Juancho niya na twenty-seven years old na sunud-sunuran pa rin sa ama. "As if naman na pwede akong umayaw," bulong niya at tumayo mula sa pagkakaupo. Lumakad siya sa may bintana at muling pinagmasdan ang magandang kapaligiran. "What if si Harvey ang nakita ko kanina sa bahay na iyon?' Tanong niya sa sarili. Si Harvey De Guzman ang first boyfriend niya noong seventeen years old siya. Kaibigan at kaklasi ng Kuya niya si Harvey sa De La Cerna University. Iyon nga lang hindi man nagtagal ang naging relasyon nila ni Harvey na noon ay twenty-two years old na at graduating na sa kursong Business management. Galing sa middle class na pamilya si Harvey, may kalayuan sa estado ng kanilang buhay na binigay ng masipag niyang ama. Kaya nang malaman ng Daddy niya ang tungkol sa relasyon nila ni Harvey noon, ay agad silang pinaghiwalay nito. Bata pa siya noon kaya wala siyang nagawa para ipaglaban si Harvey. Hindi niya alam kung ano ang ginawa ng Daddy niya kay Harvey noon, basta nalaman na lang niya na wala na si Harvey sa bayan ng San Juan. Sinubukan niyang tawagan ito at puntahan sa bahay ng Auntie nito pero wala na si Harvey. Wala silang closure ni Harvey. Ang sunod na lang niyang nabalitaan sa mga ibang kaibigan pa ni Harvey at sa Kuya niya mismo na may iba ng girlfriend si Harvey at ka edaran daw nito ang babae at hindi isang teenager na katulad niya. Masakit man sa kanya ang ganun na lang siya basta ipagpalit ni Harvey, tinanggap pa rin niya. Nang dahil sa kabiguan sa unang pag-ibig niya limang taon na ang nakakalipas, ay wala pa rin siyang nagiging boyfriend. Natatakot siya na masaktan muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD