21 Nakasalampak ang noo ni Rain sa mesa niya. Ang laki laki ng inis niya. Di nya akalain na maloloko sya ni Hanz ng ganoon. Yun pala ang sinasabi nitong permit. Permit? Akala niya permit talaga na iaapprove ng munisipyo o kapitolyo para sa negosyo. Di nya akalain na marriage contract pala yun. Permit nga naman. Permit para masolo sya at gawing tau-tauhan. Pero hindi ba sya natutuwa na asawa na niya si Hanz? All that she ever wanted ever since is to become his wife. Pero ngayon ba hindi sya natutuwa na totoo na yun? Hindi rin siguro dahil batay sa mga salita niyon kanina sa kanya ay ginawa lang nun ang ganoong bagay dahil ayaw niyon na mawala sya sa mga magulang nun. Ibig sabihin, hindi sya mahal ni Hanz. At yun ang nakakasakit dahil para sa kanya, ang kasal at para lang sa dalawang tao