Rain keeps on wiping her tears. Hindi niya mapigil ang huwag umiyak. Walang tigil niyang isipin kung ano ang dapat gawin niya sa sitwasyon niya ngayon. Hindi makakaya ng konsensya niya na lokohin ang mga adopted niya, kaya paano? Hindi rin naman niya mapapayagan na bumalik sa masamang bisyo ang ama niya. Pwede ba syang pumasok ng maraming trabaho para may iba pa syang sweldo para maibigay sa tatay niya? Hindi nya kasi kaya na huthutan ng pera ang asawa niya. Mahal niya si Hanz. Pero pwede nga kaya na dalawa o tatlo ang maging trabaho niya? Pwede ba yun? Kaya nya ba yun? Kaya nya siguro kahit part time? Pero paano sya magpapaalam kay Hanz? Lalong napalakas ang iyak niya kahit pigilin niya. Halos takbuhin na niya ang driveway papalabas para lang makauwi na sya. Mababaliw na sya sa pag-iis