12 Mag-iisang oras na si Hanz sa loob ng rover niya. Magdidilim na pero wala pa rin si Rain. Nasa loob pa rin ito ng convenience store. Kanina parang di na magsawa ang dalaga sa kakukwento sa mga kakilalang trabahador niya kaya anong oras na sila nakauwi ng mansyon. Kaya pala sabi ng Daddy niya ay mas effective itong lady boss sa kumpanya kaysa sa kanya. Mas marami raw nakukumbinsing clients ni Rain kasi malambing at mabuladas, samantalang sya nga naman ay ubod ng istrikto at kapag hindi niya nagustuhan ang kliyente unang bukas pa lang ng bibig ay pinalalayas na nya kaagad. Ganoon sya, alangan naman baguhin niya? Paano? Nagkaisip sya ay bossy na talaga sya sa lahat ng bagay kaya estudyante pa lang din sya ay marami na sa kanyang nagsasabi na diktador sya at masungit. Those are the th