1 Halos banggitin ni Hanz ang lahat ng Santo na alam niya, at halos dasalin na rin niya ang mga dasal na kabisado niya habang naghihintay siya na lumabas ang duktor mula sa delivery room. Kanina pa nakakumpol ang mga luha niya sa mata pero pinipigil niyang pumatak kaya nagsisikip na ang dibdib niya. His Rain is in real danger as well as their Artheya Faith, ang babaeng anak nila na nasa tyan ni Rain. Halos patayin na niya ang babaeng tumulak sa asawa niya sa hagdan kanina, sa anniversary ng Foundation ng asawa niya at yun ay dahil sa walang kwentang selos niyon kay Rain. It just so happened na ang ikinagalit at ikinaselos ng babae ay ang pagibigay ng lahat ng kayamanan ng asawa niyon sa foundation dahil sa kawalan ng anak at hiwalay na ang dalawa, at may taning na ang buhay ng lalaki.