42 Nakatitig si Rain kay Hanz habang nagkakabit ng sinturon ang asawa. He's not in his usual business suit. He's wearing a plain red orange shirt, na ang layu-layo pa ay kitang kita na ang kagwapuhan at kamachohan. Nag-iisip siya kung itutuloy ba niya ang pagpaalam dito na gusto niyang pumunta sa Santiago squatters kaya lang natatakot siya na baka di sya nito payagan. They never talked last night. Mautak si Hanz at naisahan sya sa five rounds na sabi at hindi sya nakaabot, kaya wala itong sinabi na kung ano man. Nakabitin sa ere ang ibig tukuyin ng mga sinasabi nito sa kanya kagabi at maoobliga syang hanapin ang kasagutan sa sarili niyang paraan. Pero ang sabi naman ay hihintayin nito na madiscover niya kahit habambuhay pa, pero di nya paaabutin doon. If she has to make a twist and turn