33 Napangiti si Rain sa message ni Hanz at kung anong parang ikinalaki ng puso niya na nagsasabi ito ng mga ganoong bagay sa kanya. Baka kaunting bomba na lang sumabog na sya sa kilig. She just replied... I'll keep that in mind, principal. I love you too. He sent two blank messages again kaya natawa sya nang mahina. Siguro ay nakatuon na sa pagmamaneho ang atensyon nito o hindi lang nito ugali ang makipagpalitan ng texts kaya blanko na lang ang ipinag sent ulit. I love you daw ng dalawang beses, Rain. I love you so much daw. Magkatabi lang ang mga sasakyan nila tapat ng Tower Mall. Yun ang isa sa mga pinakasikat na Mall sa buong Pilipinas at hindi sya pumapasok doon na hindi kasama ang Daddy Santi niya dahil nawawala sya sa sobrang laki. Her Daddy told her that the area is almost eigh