Chapter 39 YUMUKO si Elvis sa harapan ni Michelle at humingi ng tawad. "Michael," ani ni Michelle at hinawakan ang braso ng asawa. Sinabi nito na kung maaari nito kausapin si Mapple para— "Mom!" Napatigil ang lahat matapos sumigaw si Mapple. Nag-aalala nakatingin si Mathilda kay Mapple. "Pwede ba mom! Kahit isang beses isipin niyo naman makapagpapasaya sa akin! Isipin niyo ako!" sigaw ni Mapple. Nangingilid ang luha ni Mapple habang nakatingin sa ina. "Mom, anak niyo rin ako. Hindi lang si Maxine. Tao din ako mom. I need someone too who can protect me at masasandalan ko!" sigaw ni Mapple. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang ginang matapos marinig iyon. "This is so unfair mom!" Doon sunod-sunod tumulo ang luha ni Mapple out of frustration. "Lagi mo sinasabi mom na malakas