Chapter 41 NASA locker room si Mapple. Nakabukas ang pinto at nakatingin siya sa pulang tali na nasa loob ng locker. May pulang mantsa doon na alam niya na pintura lang. Agad na kinuha iyon ni Mapple at hinawakan ng mahigpit. Nanginginig ang katawan sa galit. "Ganito mo pala balak kagatin ang taong naglagay sa iyo sa posisyon at sa taong pinagkakautangan mo," malamig at madilim ang anyo na sambit ni Mapple. Malakas na sinara ni Mapple ang pinto dahilan para maagaw ni Mapple ang atensyon ng lahat ng nasa locker room. Naiinis na umalis si Mapple doon. Lumabas ng pinto at bahagya napatigil matapos makita ang pamilyar na bulto. Nakasandal ito sa poste at kasalukuyang nakayuko. Pasimple na inilagay ni Mapple ang pulang tela sa bulsa bg skirt niya at kinalma ang sarili dahil ayaw niya