Chapter 43 NAIBATO KO ang hawak ko na picture frame sa pader matapos parang sirang plaka na paulit-ulit nage-echo ang mga salitang binitawan ng dad ko sa utak ko. "This is not make sense. Kung alam ko lang sila iyon unang beses ko pa lang sila nakita sa auction binalian ko na sila ng buto," bulong ko bago naggitgit na tinitigan ang picture frame na ngayon ay nagkalat ang mga basag na salamin sa sahig. Nasa sahig din ang litrato ng team ng Hai5. Ngayon alam ko na bakit parang familiar ako sa kanila at ganoon ang tingin nila sa akin after nila ako makita sa personal. "Hindi ako makapaniwala na nag-invite ako ng mga lobo sa teritoryo ko." Pinikit ko ang mga mata ko at pilit na pinakalma ang sarili. Hindi ko maari na basta na lang akusahan sila at sabihin iyon sa parents ko. Kung nasa k