Chapter 32 NAPATINGIN si Elvis sa kamay ni Mapple na nasa gilid ng inuupuan. May subo na lollipop ang babae at nanatili nakapako ang tingin sa unahan kung saan kasalukuyang may nagsasalita na prof. Ibinaba ni Elvis ang kamay at bahagya hinawakan ang isa sa mga daliri ni Mapple para hawakan. Bahagya napatingin si Mapple then tumingin ulit sa unahan. Inalis ni Mapple ang kamay at babawiin ni Elvis ang kamay nang mabilis na hawakan iyon ni Mapple at ipagsiklop dahilan para mapatingin si Elvis. Buong discussion ay magkahawak lang ang kamay ni Mapple at Elvis. Walang nakakapansin ngunit noong tawagin si Mapple sa unahan since siya pala ang president ng classroom ay tumayo na ang babae. Dahan-dahan inalks ni Mapple ang pagkakalas ng kamay niya sa nga palad ni Elvis at naglakad palayo.