Chapter 48 "You b***h! Kung una pa lang pumayag ka na hindi ka na masasaktan!" Nagkaroon ng tutukan ng baril doon. Tinutukan ng anim na tao ng baril si Mapple. Galing ang mga tao na ito sa organisasyon. Hindi na siya nagtataka kung ang lalaki na iyon ang tinuturing ng mga ito na pinuno dahil sa almost 2 years niya na pagkawala. Iniikot ni Mapple ang kamao niya. Sunod 'non ang pag-atake ni Mesiree na walang pagdadalawang isip na sinaksak sa leeg ang isa sa mga nakamaskara. Kamatayan ang kapalit ng pagtraydor sa organisasyon. Isa iyon sa mga nakasaad sa kontrata. Pinaputukan ng mga ito si Mapple ngunit lumusot lang ang babae sa lamesa at sinipa ang tuhod ng matanda. Pagkaluhod ng matanda ay tinutukan ng babae ng baril ang ulo nito. Ang baril na iyon ay nakuha niya din sa isa sa mga