Chapter 34 3rd Person's POV Nabitawan ni Calypso ang dala niyang bag matapos makita ang babae na nagbukas ng pinto. "Ma—mama?" Nanlalaki ang mata ni Calypso hanggang sa nanubig ang mga mata. "Mama!" Tumakbi si Calypso at agad na niyakap ang ina na natatawa. Agad na binuhat ni Hailey ang anak na umiiyak. Sinabing namis ni Calypso si Hailey. Hinalikan ni Hailey ang pisngi ng anak at mas niyakap ito ng mahigpit. "Namis din kita little star," ani ni Hailey na paisa-isa ng tumulo ang luha. Hindi niya mapigilan ang emosyon dahil nakita na niya muli ang anak at nakasama ito. "Gosh, halatang puro kain ang ginagawa mo dito. Bumilog ka ulit tapos ang laki mo na agad," biro ni Hailey na natatawa. Sinabi ni Calypso na puro foods doon. "Lagi ako binibilhan ni manong Cairo ng treats!" an