Chapter 38 3rd Person's POV "Baka hindi na makahinga ang mga anak mo 'nan," ani ni Eira na natatawa. Nakita niya kasi habang nakahiga ang mga anak ni Messiah at binabalot ni Messiah sa kumot ang triplets. "Baka lamigin sila tapos magkasakit," ani ni Messiah. Napailing na lang si Eira at natatawa na gumapang patungo sa asawa. Nasa loob sila ng tent at nakahiga ang mga anak nila na mukhang walang pakialam sa ginagawa ng ama nila. Mukha na ang mga ito na lumpia. Sinabi ni Eira na kapag masyado binalutan ni Messiah sina Mesiree ay hindi na ang mga ito makakagalaw. Patung-patong ang mga kumot na nasa katawan ng triplets. Napanguso si Messiah noong inalis ni Eira ang mga iyon. Natutuwa na tinaas ni Mathilda ang mga braso. Tumagilid si Marco at namaluktutan si Mathilda. May kaniya-kaniy