Chapter 32 3rd Person's POV Noong mga 4pm na nakita nila si Calypso na bumababa ng hagdan. Tamang sabihin na gumagapang ito. Ayaw nito patulong sa mga maid. Noong makababa ito ay yakap nito ang laruan at inaantok na dumiretso kay Cairo. Pinatong ng batang lalaki ang katawan sa hita ni Cairo. "Antok ka pa?" tanong ni Cairo at parang manika na binuhat ang batang lalaki. "Go home," bulong ni Calypso at niyakap ang leeg ni Cairo. Tumayo na sina Messiah. Napapauwi na ang bata. "Sige na umuwi na kayo. By the way kung kailangan mo ng help specially kay Calypso pwede mo kami sabihan anytime," ani ni Eira. Tumango lang si Cairo at tumalikod. Bahagyang inangat ni Calypso ang ulo at kumaway pa sa pag-asawa kahit antok na antok ito. Natawa sina Eira at kumaway din. "Kamukha ni Hailey ang