Chapter 20 ILANG minuto na yata nakatitig si Elvis sa phone niya na nasa lamesa. Hindi niya kasi alam kung paano yayaain si Mapple kumain sa labas kung saan may nagtitinda ng hotdog. Gusto niya i-treat ito at magpasalamat na din ngunit hindi niya alam kung paano. Hawak ngayon ni Elvis ang ulo. May tumapik sa likod ni Elvis at napalingon siya. Nakita niya si Marco at Calypso. "Anong problema uncle? Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa," ani ni Calypso na may pagtatakha sa mukha. Sinabi ni Elvis na gusto niya i-treat si Mapple ngunit hindi niya alam ang sabihin. Napataas ng kilay si Marco at humila ng upuan. "Daig mo pa teenager na first time magka-crush ah. Ano ka ba magko-confessed?" Agad na naging defensive si Elvis at sumagot ng no. With hand gesture nito sinabi na nahihiy