“Eva, gusto mo bang puntahan ang dating lokasyon ng Water Park? Baka makatulong iyon sa’yo,” suhestiyon ni Kristina sa akin at agad naman akong sumang-ayon sa sinabi niya. Wala naman mawawala kung susubukan kong alalahanin ang mga bagay na iyon. “Sige,” sagot ko kay Kristina at agad na kaming lumabas ng restaurant na iyon. Hinawakan ni Max ang kamay ko at narinig ko agad ang pagtikhim ni Kristina sa likod namin. Hindi ko alam kung bakit pinagbabawalan niya kaming dalawa ni Max na maging malapit sa isa’t-isa. “Huwag ka na masyadong kumontra pa, Kristina. Sana sinama mo dito yung boyfriend mo,” natatawang sinabi ni Max sa kanya ngunit walang reaksyon si Kristina at nagpatuloy lang sa paglalakad patungo sa kanyang sasakyan. “Nagseselos ba si Kristina kapag magkasama tayo?” tanong ko kay