Natapos kaming mag-inom ni Max nang mapansin naming tulog na ang mga anak namin kaya naman pinatay ko na ang tv tapos ay binuhat ni Max si Eveanne para dalhin sa taas. Inalalayan ko siya at inayos ang hihigaan nilang dalawa. Marahan na inilapag ni Max si Eveanne at hinalikan pa ang noo nito bago lumabas ng kwarto. Sinunod naman niya si Maddox at yumakap pa ito sa kanya. Nang bitawan na ni Max si Maddox ay hinila nito ang kamay niya. Dinampian ulit ni Max ng halik ang noo ni Maddox at matagal bago humiwalay sa anak. “Finally, I can have you, alone.” Dinampian niya ang noo ko at hinila ako papasok sa kama pero tumanggi ako sa kanya. “Linisin ko muna yung kalat natin sa ibaba,” sabi ko sa kanya at garalgal siyang umungol sa akin. Sumunod na lang siya sa akin pababa tapos ay tumulong n