Natapos ang aming pag-uusap dahil nagkaayos rin si Mila at ang saleslady sa panig ni Ichigo. Nang makabalik na ako sa store, agad kong tinawagan si Max para ikwento ang natuklasan ko ngayong araw. “Akala ko ba ay kasundo mo si Ichigo?” tanong sa akin ni Max at akala ko rin iyon pero nagkamali ako. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nagawang pagta-traydor sa akin ni Ichigo. “Iyon rin ang akala ko pero nagkamali talaga ako sa kanya,” sagot ko sa kanya at naluha pa ako dahil sa sakit na dinulot niya sa akin. Labis akong nagtiwala kay Ichigo pero sa bandang huli ay ganito ang gagawin niya sa akin. Hindi na ako nakapagpaalam pa kay Max at binaba ko na lang ang tawag saka nagpatuloy sa aking pag-iyak. “Hindi masasayang ang luha ko para sayo. Gaganti ako sa ginawa ni Ichigo sa akin at