“Max?” patanong kong tawag sa kanya matapos kong bumangon at naabutan ko siyang nasa harapan ng kanyang laptop. Ilang oras pa lang matapos namin makauwi galing sa pamamasyal pero nagtrabaho na agad siya. Nakatulog naman ako ng ilang oras pero hindi ako sigurado kung nakapagpahinga na siya. “Yes?” pagod niyang sagot sa akin. Halata na sa boses niya ang pagod nang sandaling iyon. Napansin ko ang malalaki niyang eyebags ng humarap siya sa akin. Kahit kaunti lang ang liwanag ay kitang-kita ko iyon sa kanyang mukha. “Bakit hindi ka pa nagpapahinga? Masyado mong pinapagod ang sarili mo,” saway ko sa kanya at narinig ko ang kanyang pagbugtong-hininga. “I just want to finalize this business. Alam mong ito ang magiging susi para mapabagsak natin si Kristina at ayokong magkaroon ng loophole