“Mag-bar tayo after this,” pag-aaya ni Anne ng marinig namin na nagpapaalam na ang mga kaibigan ni Mama sa kanya. Hindi ako maaaring sumama sa kanila dahil sa may mga anak pa akong naghihintay sa akin pero narinig pala ni Mama ang pag-aaya ni Anne. “Sige na, Eva. Sumama ka na sa kanila at minsan lang naman ito,” bulong sa akin ni Mama pero humindi talaga ako sa pag-anyaya na iyon. “Sa susunod na lang ako sasama kapag nandyan si Max. Hindi ba mas maganda kung kasama natin ang mga asawa natin?” tanong ko sa kanila pero nagkatinginan ang tatlo at nagpipigil sila sa kanilang pagtawa. Binaliwala ko na lang iyon at sumama na ako kay Mama palabas ng bahay dahil baka pilitin pa nila ako. “Bakit ayaw mong sumama?” tanong ni Mama sa akin habang nasa sasakyan na kami. Huminga muna ako ng malali