Chapter 89

2079 Words

Hindi ako makahanap ng tiyempo kung kailan ko dadalahin sa hospital ang tissue na ginamit ni Max dahil hindi ako nilulubayan ni Lotus. Kada saan ako pupunta ay iniutos ni Max na huwag akong hihiwalayan kahit sa banyo ay gano’n ang kanyang ginagawa. Hindi ko naman maitaboy si Lotus dahil ayokong maghinala siya at si Max. “Eva, kamusta ka na? Baka naman may oras ka na at mag-bonding naman tayo!” bungad sa akin ni Rose sa cellphone. Ngumisi ako sa sinabi niyang iyon at naisip kong paulakan ang kanyang alok sa akin. “Sure! Wala naman na akong inaasikaso ngayon,” sagot ko sa kanya at tinapos ko na ang usapan namin saka ako naghanda ng sarili ko. Nang matapos ako, lumabas na ako ng kwarto at dala ko ang aking bag. Ingat na ingat ako dito dahil ayoko makahalata si Lotus. “Saan ka pupunta?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD