HINDI na kami nag—aksaya nang oras, nakausap ko ang mga kasama namin dito na willing silang tumulong sa amin. Kailangan na namin silang siguro dahil hindi namin alam kung anong oras at baka mamaya ay magpatulog na sila.
Ang dami naming kasama na lumabas sa school na pagmamay—ari namin. Mabuti pa sila ay tinulungan kami dahil kay Ella ay nabuhay sila. Siya ang nakaalala kung paano lilituhin ang mga Berbalang na iyon, naalala niya ang binabasa kong book about sa mystical creatures na katulad nuʼn, kaya gusto nilang humingi ng thank you kay Ella.
Ella, my best friend, igaganti kita!
Mabilis kaming lumakad papunta sa grocery na sinasabing base nila. Hindi rin naman nagtagal ay dumating kami roon, bukas ang buong grocery store at mukha doon sila nakatambay.
“Hoy! Anong ginagawa niyo rito? Trespassing kayo—”
Hindi namin binigyan pansin ang lalaking nasa harapan namin. “Hoy, kailangan namin ang Trixia na iyon! Ibigay niyo siya sa akin, kapalit sa pagpatay niya sa kaibigan ko!” babalang sabi ko sa kanya at pinakita ang kutsilyong hawak ko.
Kaya ko ng pumatay para kay Ella.
“W—walang Trixia—putangina! May mga tao!” sigaw niya kaya binayagan ko siya.
Kinuha siya ni Caspian sa akin at pinalo sa batok, nawalan siya ng malay. “Sorry, bro! Sleep well ka muna!” nakangising sabi ni Caspian at tinignan niya ako. “Ayos ba, Hannah?” Tumango ako sa kanya.
Sumugod kaming lahat papunta sa loob ng grocery store. Nakita naming nagkakagulo sila nang makita nila kami, hinaharangan pa kami ng iba, pero hindi kami nagpapigil.
“Ilabas niyo ang Trixia na iyan para hindi kayo madamay!” sigaw ko sa kanila na parang mauubusan ako ng hininga. I heard them talking and whispering to each other. “Hindi ko kayo magsasalita? Mas marami kami sa inyo! Kaya ilabas niyo na si Trixia!” I repeated what I said.
“Ayaw namin ng gulo!”
“Pare—parehas tayong na—stuck dito sa mundong ito!”
“Gusto naming umuwi nang buhay!”
I laughed so hard when I heard someone shouting. “Ayaw niyo ng gulo? Gusto niyong umuwi nang buhay? Really? Do you hear what youʼre saying? Thatʼs f*****g bullshit!” malakas kong mura sa kanila. “Iyong Trixia na kasama niyo, pinatay niya ang best friend ko just because of a man? Then you say, you want to live? No f*****g way! Mamamatay siya sa kamay ko! Katulad ng ginawa niyang pagbaril sa best friend ko! Nanligaw iyong ex—boyfriend niya sa best friend ko, pero hindi naman sinagot ni Ella. Kaya ilabas niyo ang Trixia na iyon—” I stopped to talk when I heard something. I couldn't stop smiling when I saw Jeffrey and kuya Franco na may hawak na isang babae, si Trixia.
I remember her face. Her angel face na demonyo pala.
“H—hey, bitawan niyo ko! This is harassment—”
Hindi ko na siya pinatapos na magsalita. “Oh, hello, Trixia! You remember my face, right? Ako lang naman ang kaibigan ng pinatay mo. Nice to meet you,” nakangising sabi ko sa kanya.
Napakunot ang noo ko nang makita ang pagtawa niya nang malakas. “Oh, of course, pinatay ko na ang Ella na iyon—”
I hit him hard in her face, mag—asawa. “Ooppss, sorry! Nagkaroon ng sariling buhay ang kanang kamay ko. Hindi ko sinasadya, masyado kasing mabaho ang lumalabas sa bibig mo. Pinatahimik lamang kita,” seryoso kong sabi sa kaniya.
Hinawakan ko ang kanyang mukha at tinapik—tapik iyon. Kaya ko rin maging b***h, kung kinakailangan. Napunta ako sa pisngi hanggang hinawakan ko ang buhok niyang sobrang haba at shinny. “b***h!” malakas kong sabi sa mukha ng Trixia na ito. “Akala mo ba hindi ka namin babalikan? Kayo? No way! Mabait ako, yes! Pero, ginalit mo ko!” Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanyang buhok.
“A—aray! Iyong buhok ko! Tulungan niyo ko!” Nakatingin siya sa mga kasamahan niya.
“Subukan niyo! Matutulad kayo sa kaibigan niyo... Nakikita niyo iyan... Hindi siya namatay sa game, pero napatay ko siya,” pananakot ko sa kanila.
Tinuro ko ang isang lalaki kanina, na sumugod sa amin. May hawak siyang kutsilyo kaya pinaputukan na siya, hindi lamang ako ang nagpaputok sa kanya, maging ang ibang kasama namin.
“Demonyo ka!”
“Ay, wow! Ako pa ang demonyo? Alam mo ba iyong gumaganti lang, ha? Ikaw iyong demonyo na nagpakawala sa pagiging santa ko, Trixia? Kaya, sino ang totoong demonyo sa ating dalawa?” madiin kong tanong at siyang pagdiin ko muli sa kanyang buhok.
“A—aray! Help me!” sumisigaw na siya, pero walang may gustong tumulong sa kanya.
“Walang tutulong sa iyo, Trixia. Mas marami kami sa inyo... Tinulungan kami ng mga estudyanteng nasa Limbo High School din... Tumutunaw sila ng utang na loob dahil niligtas sila ni Ella... Ikaw kasi ay walang utang na loob... Makasarili ka...”
“P—please, huwag mo kong patayin! P—pangako, hindi ko kayo guguluhin—aray!” malakas niyang pag—iyak nang ibaon ko ang kutsilyo sa kanyang kanang hita.
“Masarap ba? Anong akala mo, Trixia, babarilin kita ng ganoʼn lamang? No f*****g way! Kailangan mong magdusa at mamatay sa larong ito, in your own destiny.” Hinugot ko ang kutsilyo at tinusok muli sa kabilang hita niya.
Umiiyak siya, pero wala na akong pake.
Gusto ko mas siya mamatay agad. Mas nanatili sa isipan ko na mahirapan siya at mamatay mismo sa laro. Hindi ko alam kung anong game ang lalaruin namin bukas, but, isa lang sure ako... Individual game iyon.
Sinaksak ko siya sa kanyang binti at maging sa kanan at kaliwang braso niya, para hindi na talaga siya makalaro.
Nang makitang naliligo na siya sa sariling dugo niya ay binitawan ko na siya.
“You deserve it, Trixia! Pasalamat ka hindi ko diniin ang bawat pagsaksak ko sa iyo, kaya hindi ka mauubusan agad ng dugo, aabot ka pa hanggang makabalik tayo sa Mundo natin... Iʼm not sure nga lang if makakaligtas ka sa game, paniguradong individual game na ang lalaruin starting tomorrow. Ilang araw na lang din naman ay matatapos na itong impyernong mundo natin. Kaya be safe tomorrow!” nakangising sabi ko sa kanya.
Bumalik na ako sa mga kasama ko, nakita ko ring may mga pagkain silang nakuha sa grocery store, ayos na rin iyon dahil pa-konti na lamang ang mga stock namin.
“Get well and be alive tomorrow, Trixia!” nakangising sabi ko at tumalikod na kami habang dinig ko ang iyak ng babaeng iyon.
“I—I canʼt kill her, kuya Franco. Gusto ko siyang pahirapan para mabawi ko ang hustisya para kay Ella,” nanginginig kong sabi sa kanya.
Niyakap niya ako. “Itʼs okay, Hannah. Paniguradong mamamatay rin siya bukas. Magiging proud si Ella sa ginawa mo. Ang gawin natin bukas ay mabuhay ka para sa kanya, okay?”
Tinignan ko si kuya Franco. “I will, kuya Franco. At, sana kapag gumising tayo ay panaginip lamang ito. Sana makita ko muli si Ella at makausap siya katulad ng dati.”
Sana talaga panaginip lamang ang nangyayari ngayon. Sana pagkagising ko ay buhay si Ella.