IKA-WALONG KABANATA 2.0: STOP DANCE!

1240 Words
HINDI ako makatulog sa nangyari second game kanina. Naririnig ko pa rin ang sigaw at paghingi nila ng tulong sa amin. Kapag pumipikit ako ay nakikita ko ang mga mukha nilang nagmamakaawa. Napabangon na lamang ako at lumakad papunta sa kitchen nila Ella. Ang tahimik pa rin sa paligid, hanggang kailan ba kami rito? Hanggang matapos ang larong ito? Third game pa lamang bukas at may limang games pa bago matapos ang lahat ng ito. Pero, isa ang bumabagabag sa isipan ko, totoo kayang patay na sila? Iyong mga taong nahulog sa impiyerno kanina. Kung patay na sila, napatay ko ang isa. Napatakip na lamang ako sa aking mukha at humihinga nang malalim para kumalma ang aking sarili. “Hindi ka matulog? Iniisip mo pa rin ang nangyari kanina?” Napadilat ako at napalingon sa hamba ng kusina, nakita ko si kuya Hanzel na nag—aalala ang tingin sa akin. Tumango ako sa kanya. “Huwag—” Pinutol ko agad siya. “Alam ko, kuya Hanzel. Alam kong dapat maging bato itong puso ko, pero hindi maalis sa isipan ko na... Na baka totoong napatay ko na iyong babae kahapon. Na... Baka patay na lahat ng mga nahulog sa impiyerno sa second game kahapon. Hindi ko alam, kuya Hanzel. Gusto kong tatagan ang sarili ko, pero naiisip ko pa rin ang mukha ko... Mukha niyang nagmamakaawa,” sabi ko sa kanya. “Hindi mo kasalanan iyon, Hannah. Siya ang nauna. Tinulak ka kaya muntik na tayong hindi makaabot sa garbage bag na iyon. Kaya wala ka dapat i—guilty at pagsisihan, okay? Wala!” Hinawakan niya ang mukha ko. “Kung ikaw ang nandoon, gagawin ko rin para mabuhay ka. Alisin mo na sa isipan mo iyong babaeng iyon. Kasalanan niya ang lahat!” sabi ni kuya Hanzel sa akin. Tumango ako sa kanya. “Opo, kuya Hanzel. Kailangan ma—overcome ko ito para sa susunod na laro ay maging malakas pa ako lalo. Hindi ko kailangang matakot para mabuhay ako!” madiin na sabi ko sa kanya. Iyon na ang kailangang itaga ko sa aking isipan, kailangan kong mabuhay. Kjaoangaan kong makabalik kung nasaan man kami ngayon. “Tarra na, matulog na muli tayo kahit hindi natin alam kung anong oras! Ang importante ay makapaghinga tayo nang maayos bago ang third game!” Hinawakan na ako ni kuya Hanzel at muling bumalik sa pagkakahiga. Kailangan ko ng pahinga para bukas. The next day, nakatulog na rin ako nang maayos pagkatapos nang pag—uusap namin ni kuya Hanzel. Kumakain na kami ngayon at nakabihis na muli sa comfortableng damit. Lahat kami ay kinakabahan dahil sa magiging game ngayong araw. Ano na naman kaya ang lalaruin namin? Sa tahimik naming paligid ay bigla na lamang umingay nang marinig namin ang boses ni Valerian, kaya lalong tumahimik at lumamig ang buong bahay nila Ella. “May third game na!” malakas na sabi ni Valerian at lumapit siya sa amin. Nasa living room siya at hinihintay ang game na umappear. Nilabas namin ang aming phone at nakita ko sa screen ang sunod na laro. “Stop Dance? Easy naman nito,” saad ni Ella nang basahin niya ang nakasulat. “Rules, Control your body and mind. What does that mean?” tanong ni Devon habang nakaupo sa sofa. Hindi katulad ng game two ay nagkaroon ng announcement, ngayon ay phone sila naglagay. “W—wait, mayroʼn pang nakasulat. Games: Stop dancing. Rules: Control your body and mind. Mechanics: it is necessary that only five members of your group participate and go to the clubhouse, to play a stop dance. For the remaining members, you should only be inside the base where you are hiding. You will know who will win once it is over and they return safely to you. Let the dance begins.” basa ko sa kabuuang nakalagay sa announcement ng phone ko. “Lima? Lima lamang ang kailangan sumali?” Tumango kami sa tanong ni Ether. “Sa larong ito ay hindi lahat tayo ay kasali. Kailangan nating magplano kung anong gagawin natin, kung sino ang limang maglalaro sa stop dance niya. And, huwag tayong makampante na stop dance lamang ito, na once huminto ang tugtog ay kailangan mong huminto. Baka maging katulad siya ng unang game na nawawala ang mga tinapakan natin,” babalang sabi ni kuya Hanzel sa amin. Lahat kami ay sumang—ayon sa kanyang sinabi. “Tama si Hanzel! Sa ngayon, isa ako sa sasali sa game na ito! Sa apat pa na kailangang sumama sa akin, mag—usap—usap na kayo,” sabi ni kuya Franco. “Are you sure, Franco?” “Of course, Hanzel! Malambot ang katawan ko, kaya huwag kang kabahan sa akin! Babalik akong buhay gago ka!” nakangising sabi ni kuya Franco at tinapik si kuya Hanzel. Nagtaas ng kamay ni Timothy. “Kasali rin ako. Kailangan nila ako para i—analyze ang laro.” “Game na rin ako! Hindi naman ako kasali sa dance group ng school, marunong akong sumayaw at may group ako sa labas ng campus!” Tinaas na rin ni Devon ang kamay niya. “Dalawa na lamang ang kailangan nat— Hannah?” Napahinto si kuya Hanzel nang makitang nagtaas ako ng kamay. “Um, yes, kuya Hanzel. Sabi mo nga, kailangan kong maging malakas at maging bato ang puso ko, kaya gusto kong sumali muli. And, mas malambot ang katawan kumpara sa iyo, kuya Hanzel. Baka nakakalimutan mong pinasok ni Mom sa ballet dance noon? Flexible and mabilis din akong gumalaw,” sabi ko sa kanya. “Eh? Kung kasama si best! Kasama na rin ako! Same kaming nag—ballet dance! So, lima na kami!” Si Ella ang huling nagtaas ng kamay. “Ella, are you sure?” tanong ko sa kanya. “Of course! Hindi naman na pʼwedeng sila, best! Si kuya Hanzel ay kailangan dito. Sina Wealand, Ether and Valerian ay parehong mga kaliwa ang mga paa nila. Lagi nga D ang score nina Wealand and Ether, ʼdi ba? And, for sure ganoʼn din si Valerian, student council natin siya! Kaya nga siguro nag—student council niyan para hindi makitang parehong kaliwa rin ang paa!” Nang—asar pa talaga siya. “Wala naman na siguro aangal, ʼdi ba?” dagdag pa niyang sabi, ang tatlong lalaki ay umiling sa kanya. Sumang—ayon na ang lahat sa lineup namin, kaya naghanda na kaming lima, nag—rubber shoes na kami at nagdala ako ng iilang pang-protection sa akin, nagdala ako ng bodybag, may dala rin aking tubig at matikan na nasa bottled water. “Hannah...” Inilingan ako ni kuya Hanzel. Ngumiti ako nang malaki sa kanya. “Huwag kang mag—alala sa akin, kuya Hanzel. Babalik kaming lima rito! Magaling kaya ako sa stop dance!” pagpapanatag ko sa kanyang loob. “Bro, huwag kang mabahala, ako ang bahala sa group natin! So, alis na kami! See you later! Dapat may pagkain kaming madatnan kapag nakauwi na kaming lahat, okay?” malakas na sabi ni kuya Franco at lumabas na kami. “Participating in Hanzel's group are Devon Clemente, Ella San Jose, Ether Roxas, Franco Jacobs and Hannah Limbo. Go to the clubhouse. Good luck!” Napatigil kami nang banggitin ang mga pangalan namin. Nalaman naʼng iba kung sino ang maglalaro sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD