“Hannah?” Nakita ko si kuya Hanzel na pumasok at nilapitan ako. “Totoo ba ang sinabi mo? Alam kong never kang nagsisinungaling,” sabi niya sa akin.
Tumango ako saan kanya. “Yes po, kuya Hanzel. I know na totoong sinabi ko. Si Devon talaga ang nagpapalito kanina sa game na iyon.” Sigurado kong sabi sa kanya. “Magkaroon lamang ng honesty game, kuya Hanzel, siya talaga ang pupuntiryahin ko. Totoo ang sinasabi ko at ipapaalam ko sa kanilang lahat iyon!" madiin na sabi.
Sana nga lang talaga may honesty game.
Pagkatapos ng fifth game namin kahapon at ang sagutan sa pagitan namin ni Devon, hindi ako makatulog. Ang daming namatay dahil sa panggugulo niya. Wala man ako ebidensya, pero sapat na ang boses niya para sa akin, kilala ko ang boses niya.
“Hannah, are you okay today, ha? Naghihintay ka na ba for sixth game? What do you think the game?”
Napalingon ako nang marinig ang boses ni Candy. Humigop ako ng gatas ko. “I donʼt know. But, for sure, individual game muli ito. Three games away bago tayo makauwi muli, Candy, kaya need nating galingan,” sabi ko sa kanya.
“Yeah, I know. But, nag—aalala ako sa iyo yesterday. Nag—away kayo ni Devon. Are you sure na siya ang nanggugulo? I mean, may namatay nga sa ibang team but we canʼt sure na siya talaga ang nanggugulo sa dulo, right?”
Napatayo ako at tinignan si Candy. “Totoo ang sinasabi ko, Candy. Siya iyong nanggugulo, boses niya. Wala man akong ebidensya or hindi man nating kaklase or ka—grupo ang namatay kahapon, hindi pa rin sapat para manggulo. Kung may hihilingin akong maging game today, iyon ay may kinalaman sa katotohanan para makita natin kung totoo nga ba siya... You know what, may kutob akong tina—traydor niya tayo. Mag—ingat ka na rin,” sabi ko sa kanya at umalis sa kanyang harapan.
Napahawak ako sa aking dibdib at tinignan ang kalangitan ngayon, medyo may kadiliman ang langit. Kinakabahan ako dahil sa iniisip ko na baka may kinalaman din siya sa pagkapatay kay Ella.
Huwag naman sana.
Baka hindi ko na kayanin kung siya man ang nasa likod nuʼn.
Papasok na sana ako sa kabilang room nang marinig ang malakas na tunog sa buong paligid. “This is it!” mahinang sabi ko at bumukas ang pinto na dapat kong papasukan.
“Nag—uumpisa na ang sixth game.” Napatingin ako kay kuya Franco na nasa likod ko.
Napalunok ako nang marinig ang mahabang alarm, halos lahat ay nasa labas na at hinihintay ang announcement ng game na iyon.
Hinawakan ni kuya Hanzel ang kamay ko. “Mananalo tayo, Hannah.” Tumango ako sa sinabi ni kuya Hanzel.
Hindi dapat akong kabahan.
Three games away, makakauwi na rin kami.
“Good day, players! How are you! I know you are excited for our sixth games. So, I will tell you the sixth game, we called it truth or dare with a twist.”
Halos tumigil ang pagtibok ng puso ko nang marinig ang name ng game. Napansin ko ang pagtingin nila sa akin.
“Honesty game.” Napangisi ako nang sabihin ko iyon.
“Are you ready for the truth or dare with a twist? This is easy game, just tell the truth and you not gonna die. Do you the secrets of each everyone? The sixth game is start now in Limbo High School! Everyone whose outside the school, please, proceed in Limbo High School right now! Enjoy the sixth game.” Nangilabot ako nang marinig ang malakas niyang pagtawa at nawala na iyon.
“Hannah, honesty game nga. Heto ang gusto mo, ʼdi ba?” Napatingin ako kay Candy, pero ang tingin ko ay tumawid sa likod niya, kay Devon na dama kong kinakabahan siya ngayon.
Tumaas ang sulok ng labi ko. “It is. Ipapakita kong totoo ang sinabi ko kahapon,” sagot ko sa kanya at nauna na akong lumakad pababa ng building namin. “Kung saan ako mapupunta ang pagtanong mamaya, si Devon ang uunahin ko.”
Nandito na kaming lahat sa quadrangle ng school namin. Napansin kong marami pa kaming mga nabuhay, iyon ang pagpapasalamat ko.
“Student of Limbo High School, are you ready to play for your sixth game? This is truth or dare with a twist like a said earlier. Thereʼs no group like the game yesterday. The 245 students are here in quadrangle will be in one group. The rules in this game is be tell the truth and be true to yourself. This bottle glass will determined who gonna be ask to one of you who are here. Good luck and be true to yourself! Two games away!”
Napalunok ako sa kanyang sinabi niyang iyon. Napatingin kami sa itaas nang makita ang malaking bottle glass sa amin.
“Umiikot na siya!” malakas nilang sabi.
Nakita ko kung paano umikot ang bote na nasa ibabaw naming lahat. Dama kong lahat sila ay kinakabahan ngayon, maging ako.
“Huminto na!”
Marami kaming lahat na nandito, katulad ng sinabi kanina 245 students pa kami out of 12k students. Marami nang namatay.
“Who you want to ask, Giovanni Hernandez?”
Nanlaki ang mga mata at tenga ko nang marinig ang pangalan na iyon. “Si Giovanni buhay pa,” sabi ni Jameson sa aking kaliwa.
Napatango ako sa kanyang sinabi. “I wanted to ask Ms. Carren Dizon... Do you love me? Gusto kong sabihin sa buong tao na nandito, mahal natin isaʼt isa!” malakas niyang sabi kaya lahat kami ay nagbulungan.
Nakita namin si Ms. Dizon, na humakbang paharap. “Yes, I am! I know na nasa code of ethics ito but yes mag—boyfriend and girlfriend kami!” malakas na sabi niya.
“Mayroʼng espada sa itaas.”
Nakita namin ang espadang nasa ulo ni Ms. Dizon ngayon.
“Donʼt tell me, iyan ang papatay sa iyo, Hannah?” Tumango ako sa kanya. “Mahahati ang magsisinungaling.” Napalunok ako sa kanyang sinabi.
Nawala ang espada nasa ulunan niya at pumalit doon ay ang turn niyang magtanong. Napapikit ako nang magtanong siya sa ibang student, walang namamatay, mas pinipili nilang magsabi talaga nang totoo hanggang may narinig na nga kami na umiyak, may mga namatay na at hinayaang ibaon sa limot ang kanilang kasalanan.
“Hannah, ikaw ang napili.”
Napatingin ako sa itaas ng ulo ko, nasa akin ang nguso ng bote. Napahakbang ako at humarap kay Devon, this is it.
“Hannah, talagang—” Tinignan ko si Jameson nang magsalita siya, kaya tumango ako sa kanya.
“Um, Devon Clemente, I want to ask you!” baritonong sabi ko sa kanya. Humakbang siya at mayroʼn ng espada sa ulo niya. “Ikaw ba ang nannggugulo sa laro kahapon? Ikaw rin ba nasa likod kaya pinatay si Ella? Tell the truth kung ayaw mong bumaon ang espada sa iyo.” Tinitigan ko siya nang mabuti at hinanda ko na ang sarili ko sa isasagot niya ngayon.
“Okay fine, Hannah! Yes, ako nga!” Nakarinig ako nang bulungan. “Deserve naman nilang mamatay—”
“Tangina mo!”
“Hayop ka!”
“Namatay ang kakampi namin dahil sa iyo.”
Dama kong nakatingin na sa akin ang mga kasama ko ngayon. “Iyong isang tanong ko pa,” sabi ko sa kanya.
“Wala akong kinalamanan sa pagpatay kay Ella—” Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang tumama sa ulo niya ang espada.
“Oh my gosh!” Narinig ko ang reaksyon nilang lahat.
Halos mapaupo ako nang makitang nahati ang katawan niya. “M—may kinalaman siya sa pagpatay kay Ella. Oh my gosh! Ahhhh!” malakas kong sabi at nararamdaman kong tumulo na ang luha sa magkabilang pisngi ko.
“Hannah!” Niyakap ako ni Jameson at maging si kuya Hanzel.
“May kinalaman siyang sa pagpatay kay Ella. Tama ang kutob ko! S—siya rin ang dahilan kung bakit sinugod kami sa third game. Siya rin ang dahilan kung bakit namatay si Ella. f**k her! f**k you, Devon!” malakas kong mura at tuloy—tuloy na tumulo ang luha ko sa aking mata, walang humpay.
Napaupo na lamang ako at hindi ko na sila pinansin hanggang matapos ang laro na narinig kong 212 na lamang kaming natira.
Ayoko na. Gusto ko nang matapos ito.