Typos and grammatical error ahead!!
¤¤¤
LANCE POV:
¤¤¤
"Hey! Are you okay." Si Dariel na umalalay sa akin matapos akong makaramdam ng bahagyang pagkahilo.
Nanlabo ang mga mata ko at muntik na akong matumba sa sahig kung hind lang ako nasalo ni Dariel.
Isa sa pinsan ko si Dariel na lumaki sa ibang bansa na ngayon ay nagbabakasyon dito sa amin. Napagpasyahan namin nina mama na dito siya tumira muna sa condo ko ng isang buwang bakasyon niya.
Kararating nga lang niya kahapon.
"You look pale." Sabi pa niya. Umalalay siya sa akin hanggang sa makaupo ako sa sofa sa sala. "Gusto mo bang pumunta tayo sa hospital?"
"Hindi na kailangan Dariel. Maayos lamang ang pakiramdam ko." Sagot ko pero ang totoo ay talagang nahihilo at nanghihina ang katawan ko.
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.
"Sigurado ka. Namumutla ka."
"I'm really okay, Dariel." Sinabayan ko ng isang ngiti para maniwala siya.
"Sige, ikaw ang bahala. Pero kung hindi pa nawawala ang pamumutla mo dadalhin na kita sa hospital."
"Sige. Gutom lang naman ito. Tapos ka na ba sa ginagawa mo kanina?" Pang iiba ko ng usapan.
Kaninang dumating si Frances kanina ay iyon din ang tatanungin ko sana na hindi lang naituloy. Ginawa kasi niya ang sink ng lababo na may bara.
"Oo, katatapos ko lang din kaninang dumating ang isang iyon. By the way? Who is he?"
"Bestfriend. Siya ang palagi kong naikukwento sa iyo noon."
"Siya na ba iyon. Akala ko ba mabait iyon bakit parang iba naman ang naikwento mo sa akin?"
"Natural na lang niya iyon. Akala niya siguro ay my something sa atin." Pagpapaliwanag ko.
"Iiniisip ko tuloy na boyfriend mo iyon kaysa bestfriend. Kung makapag react naman, sobra pa sa pinagtaksilan ng girlfriend. Diba may girlfriend yon?"
"Y-yeah." Bahagyang pumiyok ang naging pagsagot ko. "And they are getting merried."
"Oh! Then good luck to them." Saad niya na sinabayan ng kibit balikat. "Go! Magbihis ka na muna. Maghahanda na lang muna ako ng agahan natin. Medyo late na pero kaya parin."
Muli akong ngumiti. This time totoo na ang ngiti kong iyon. Kahit siguro hindi ako pinagpala sa mamahalin ay pinagpala naman ako ng mga pinsang nagmamahal sa akin. Like Dariel, like Carla na laging nakikiramay sa pagdadalamhati ko tuwing hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko.
Pumasok ako ng silid ko para makapagbihis na siya namang tumunog ang cellphone ko.
Tinignan ko iyon. At si Frances nga ang tumatawag kaya binalewala ko na lang. Ipinagpatuloy ko ang pagbibihis.
¤¤¤
¤¤¤
"Iniiwasan mo ba ako?"
Hindi ako makatingin ng deretso kay Frances ng macorner niya ako sa may pinto ng condo ko. Hinintay ba niya ako na makalabas?
"N-no. Of course not."
"Lance Almonte. Sa tagal nating magkakilala ay alam kong iniiwasan mo ako. Tumingin ka sa akin ng deretso." Hinawakan pa ako sa pisngi at pilit na pinapaharap sa kanya. "Look at me Lance."
"No! B-bakit ba?" Pilit din akong umiwas pero kung pupwersahin ko ang makawala sa pagkakaipit niya sa pisngi ko ay masasaktan ako kaya wala akong nagawa kundi ang mapatingin sa kanya.
"Tell me, Lance. Are you avoiding me? Dahil ba sa lalaking nasa loob ng condo mo? Huh?"
Napalunok ako. Para naman napakalaking kasalan ang pagpapatira ko ng lalaki sa condo ko kung sakaling hindi ko pinsan si Dariel? At ano naman sa kanya kong sakali?
"Y-yes." Tanging sagot ko para tigilan na niya ang pagtatanong pa.
"What? Are you serious? Because of that guy? Huh! Sinabi ba niya na iwasan mo ako? Sinabi ba niya na layuan mo ako? Damn it. I want to talk to that guy. Now."
"For what?" Mataas na boses na tanong ko dahilan para lumuwang ang pagkakahawak niya sa pisngi ko kaya naman nakaiwas na ako sa kanya. Itinulak ko pa siya para makalayo ako sa kanya.
Para kasi akong malalagutan ng hininga sa lapit namin sa isa't isa.
"For what?" Pang uulit ko. Pilit na pinatatag ko ang tinig ko. "Hindi niya ako inutusan na layuan ka. Hindi niya ako inutusan na iwasan ka. Ako ang may gusto na umiwas sayo para sa aming dalawa." Pinanindigan ko ang kasinungalingang nasimulan ko. Hahayaan kong isipin niya na kasintahan ko si Dariel.
"Dahil sa lalaking iyon, itatapon mo ang pagkakaibigan natin. Hindi ganito ang gusto ko Lance. Kung magkakaboyfriend ka man ay dapat iyong kilala ko. Iyong alam kong kaya ka niyang alagaan, mahalin at ingatan. Hindi iyong bigla ko na lang malalaman na may boyfriend ka na hindi ko man lang nalalaman." Mahabang lintaya niya na sa tuno ng boses ay para siyang nagdadamdam.
Nagdadamdam para saan? Dahil sa hindi niya gusto ang boyfriend ko? Kahit hindi man niya gusto kong sakali ay wala naman siyang karapatan na pigilan ako sa kung sino ang pakikisamahan ko.
"Hindi sa lahat ng galaw ko ay dapat mong malaman. Hindi sa lahat ng desesyon ko ay kailangan mong pangunahan. Frances, magkaibihan lamang tayo." Saad ko at pinagdiinan ang salitang KAIBIGAN LAMANG para malaman niya kong saan ang lugar namin sa isa't isa. "Noong nagkagirlfriend ka ba? Nakialam ba ako sayo? Sinabi ko bang ipaalam mo muna dapat sa akin bago ka magkagirlfriend? Pinangunahan ba kita? Hindi diba?" Kahit na gusto ng pumiyok ang boses ko ay pilit akong nagpakatatag. "Frances, magkaibigan lamang tayo. Kaya alam ko kung saan ako lulugar pagdating sa personal mong buhay. Hindi ako nakikialam sayo. Hindi ko pinapakialaman ang relasyon niyo ni Christina. Kaya sana.. ganun ka din sa akin. Huwag mong panghimasukan ang personal kong buhay dahil kaibigan lamang kita." Mahaba haba kong saad na may kasamang paghihinagpis. Kahit papaano ay nagkaroon ng kagaanan ang bigat ng nararamdaman ko. Ang paghihinagpis na kinikimkim ko para sa kanya. Para sa nararamdaman kong pagmamahal sa kanya.
"Lance." Tanging pangalan ko lang ang narinig kong lumabas sa bibig niya na nakatingin lamang sa akin.
"Frances, sana naman maunawaan mo ang mga sinabi ko. Hindi kita iniiwasan. Ginagawa ko lamang ito para sa atin. Dahil hindi habang buhay ay palagi parin tayong magsasama. Magiging malapit parin sa isa't isa. Dahil balang araw.. ay bubuo tayo ng sarili nating mga pamilya."
"Huh!."
Kung hindi ako nagkakamali ay patuyang ngiti ang napaskil sa mga labi niya.
"Napag usapan na natin ang bagay na iyan noon. Ngayon ay bakit biglang nagbago na? Dahil sa lalaking iyan ay nabago ang mga naging usapan natin noon. Sabi ko sayo, magkapamilya man ako ay ikaw lang ang matalik kong kaibigan, at binibigyan kita ng malaking puwang sa buhay ko. And you also said that to me. But now.... I can't believe that you say all that things because of that damn guy." May galit na sabi niya. Kuyom pa ang kamao na tumaas at lumandin iyon sa pader.
Nagulat ako dahil akala ko ay ako sa akin iyon dadapo.
"Huwag mong pagsalitaan si Dariel ng masama dahil wala siyang ginagawa sayong masama." Pagtatanggol ko sa pinsan ko. Sa isip ko ay humihingi na ako ng tawad sa dito dahil nadadamay siya ng walang kaalam alam. Saka ko na lang sasabihin sa kanya ang napag usapan namin ni Frances baka kasi magsanga ang landas nila ng wala ako ay mabuko pa ang kasinungalingan ko.
Ginagawa ko lang naman ito para kahit papaano ay makawala ako sa anino ng kaibigan ko na minamahal ko.
"Huh!. Yeah! Your saint boyfriend. Ugh! I don't care, you are still my bestfriend at sa ayaw at sa gusto ng boyfriend mo ay gusto ko siyang kilalanin para makasigurado akong hindi ka niya sasaktan at iiwan lamang sa huli. Ayaw kong makita kang luhaan sa huli." Kuway saad niya na nakapagpalaki ng mga mata ko.
Akala ko ay lalayo siya. Mag wa-walk out dahil sa mga sinabi ko pero hindi naman pala bagkus mas gusto pa ngang makilala ang pinsan ko.
"Hindi kita pinakikiaalaman kung sino ang magiging boyfriend mo. Ang akin lamang ay ang makilala kung sino siya para mapanatag ako na magiging maligaya ka sa piling niya." Pagpapatuloy pa niya na mas nakapagparamdam sa akin ng pagkahabag sa sarili ko. "Please, Lance." Masuyong humaplos na ang kamay sa pisngi ko na kaninang isinuntok sa pader. "Huwag mong iisiping iwasan ako dahil may boyfriend ka na. Kung paano mo natanggap si Christina para sa akin noon ay matatanggap ko din kung sino ang mamahalin mo basta huwag mong ipagkait na ipakilala ito sa akin. Nagkakaintindihan ba tayo. Huh."
Napalunok akong muli. Gusto kong mangilid ang aking luha dahil sa mga sinabi niya ay sadyang ipinaparamdam niya sa akin na hanggang kaibigan lamang talaga ako sa kanya.
Kanina nga ay para akong umasa sa sinabi ni Dariel sa akin kanina dahil sa nakitang galit sa kanya ng makita kaming nasa loob ng condo na para siyang boyfriend ko na nakitang pinagtataksilan ko pero nagkamali lamang pala sa napansin si Dariel.
"Y-yeah. O-okay." Tanging katagang naibigkas ko. Wala na akong ibang masabi maliban sa mga iyon.
"Good. Ngayong malinaw na ang lahat sa atin. I want you to know na sa susunod na araw na ang engagement party namin ni Christina."
Parang bulkang sumabog iyon sa pandinig ko. Sadya yatang buong buo na ang pasya niyang pakasalan si Christina at wala ng makakapigil pa.
"Sa bahay nila gaganapin ang party. Kaya dapat nandoon ka huh. Isama mo na ang boyfriend mo ng masimulan ko ng makilala." Nakangiti niyang pagpapatuloy.
Tumango na lamang ako. Wala naman akong maidadagdag sa mga sinabi niya. Dahil mas nadagdagan ang bigat ng sakit na nararamdaman ko dahil tuluyan ng ikakasal ang kaibigan ko.
¤¤¤
¤¤¤
"Maglalakad lakad muna ako saglit." Paalam ko kay Dariel habang nakaupo kami sa isang table kasama sina mama.
Nasabi ko na kay Dariel ang pagsisinungaling ko kay Frances na hindi naman ako nabigo at nakisama na lamang siya.
Bahala na siyang pakiusapan si mama kung sakali man. Hindi pwede kasing malaman ni mama ang pagsisinungaling ko baka makahalata siya na may gusto ako kay Frances na matagal niyang inalagaan.
Araw na ng engagement party ng kaibigan ko sa kasintahan. Parang kailan lang. Isang buwan na ang lumipas simula ng araw na iyon at wala siyang kaalam alam sa nangyari sa amin.
Hindi na din niya dapat malaman dahil ikakasal na siya. Babaunin ko na lamang iyong isang magandang alaala kahit na siyang nakakapagparamdam sa akin na nag iisa.
Sa pagmumuni muni ko ay hindi ko namalayang napalayo na pala ako. Hindi ko na napansin na wala na ako sa bahagi kung saan nagtipon tipon ang mga bisita.
"Why are you here?" Napalingon ako sa paligid ng marinig ko ang boses ni Christina.
Sa paglalakad lakad ko ay hindi ko namalayang napunta na pala ako sa may likod ng bahay nila.
Aalis na sana ako ng makarinig pa ako ng isang boses.
"Hindi ako makakapayag na ikakasal ka sa lalaking iyon. Magkakamatayan muna tayo Christina." Boses ng isang lalaki kaya naman nagpasya akong magtago at nakinig sa kanila.
"Ito lamang ang alam kong makakapagpalinis ng pangalan ko sa kahihiyan na ayaw mong panindigan." Mahina pero may galit sa tuno ng boses ni Christina.
Natigilan ako at nagkaroon na ako agad ng hinala.
Si Christina. Ang mahal ng kaibigan ko may itinatagong lihim sa kanya.
"Malilinis iyan kung ipapalaglag mo ang bata. Walang makakaalam maliban sa ating dalawa."
"No! Hindi ko ipapalaglag ang bata. Isa din ito sa panghahawakan ko para makakuha ng sustento kay Frances. Batang ikaw ang bumuo pero wala kang isusustento. Kaya mas maganda na ang ganito para hindi maghirap ang magiging anak ko."
Tigagal ako sa narinig. Napalunok ako ng sunod sunod. Si Christina, buntis pero hindi si Frances ang ama.
No! Kailangan kong gumawa ng paraan para ipaalam lahat ng iyon kay Frances.
Akma na akong aalis sa pinagtataguan ko ng may masagi akong isang bagay na nakagawa ng ingay. Pupuslit na sana ako pero huli na dahil mabilis akong nakita ni Christina.
"Ikaw." Nanlaki ang mga mata nito. Tigagal na makita ako.
Ang lalaki namang kausap nito ay mabilis na umibis paalis hanggang sa dalawa na lang kami ni Christina ang naiwan.
"S-sinungaling ka. N-niluluko mo ang kaibigan ko." Mahinang saad ko at umatras pa ako ng lakad palayo dito ng lumalapit naman itong palapit sa akin.
"Sinungaling? Manluluko?" Pang uulit niya sa sinabi ko. "Paano mo mapapatunayan ang mga sinabi mo. Hmmm. Wala kang katibayan kaya manahimik ka." Galit na sununggaban ang kamay ko mahigpit na hinawakan. Naramdaman ko agad ang kuko nitong bumaon pa sa balat ko.
"B-bitawan mo ako. Hindi ka magtatagumpay sa panluluko mo sa kaibigan ko. Sasabihin ko sa kanya ang mga narinig ko." Mariing sagot ko.
"Hahaha." Mapagklang tawa pa ang narinig ko mula dito pero nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. "Paano? Mas paniniwalaan niya ako kaysa sayo. Dahil mahal na mahal ako ng kaibigan mo. Huh! Ang akala mo ba? Hindi ko napapansin na may gusto ka sa kanya."
Nanlaki naman ang mga mata ko sa tinuran nito.
"Alam ko na noon pa na may gusto ka sa kanya. Ang mga titig mo sa kanya ay kakaiba kaya hindi mo iyan maipagkakaila. Pero hindi ka magkakaroon ng pagkakataon dahil ako lang ang mahal ng taong mahal mo. At kahit na anong sabihin ko. Maniniwala siya sa akin."
"Hayop ka. Hindi ka magtatagumpay sa mga masama mong balak. Hindi ako mananahimik at sasabihin ko ang mga nalaman ko." Hindi ko na pinansin ang pang iiba niya ng usapan. Alam ko na inaagaw lamang niya ang atensyon ko at mabaling sa akin ang usapin pero hindi ako magpapatalo dito. Kailangan kong sabihin iyon kay Frances para hindi siya matali sa manlulukong ito.
Nagpumiglas ako kahit na masakit ang kamay kong binaunan ng kuko nito. Wala akong pakialam sa sakit na iyon ang mahalaga ay makawala ako at masabihan si Frances.
Dahil na rin sa mas malakas naman ako ng hindi hamak sa kanya ay nagawa kong makawala dito. Nakawala nga ako pero huli na para mapagtanto ko na naitulak ko pala ito dahilan para bumagsak ito sa semento.
Pareho kaming natigilan at parang bumagal pa ang pag ikot ng mundo.
"Agh...... ahhhh." Mahinang daing niya na ngayon ay hawak ang gitna ng mga hita niya at duon ko napagtanto na dinudugo na pala siya.
Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Gusto kong puntahan si Frances para sabihin dito ang mga narinig ko pero gusto ko din naman itong tulungan. Kahit na hindi anak ni Frances ang dinadala nito ay wala namang kasalanan ang batang dinadala nito.
Kikilos na sana ako para tulungan ito pero huli na dahil tama namang dumating si Frances at agad itong dinaluhan.
"Anong nangyari?"
"A-ang b-baby natin. A-ang b-baby natin." Sagot ni Christina at tumingin sa ibaba niya.
"What?" Hindi na nagsayang ng oras si Frances. Agad nitong binuhat si Christina. Hindi din alintana na nabangga niya ako dahilan para ako naman ang babagsak sa semento pero tama namang nasa likuran ko si Dariel.
Wala na akong naging imik dahil tigagal parin ako sa nangyari. Lalo pa at naging masama na ang naging tingin ng mga tao sa akin at ng mga magulang ni Christina.
"What happen?" Si tito Reallan na siyang bumasag sa nakakabinging bulong bulungan.
"H-hindi ko s-sinasadya tito. H-hindi ko s-sinasadya." Paulit ulit na naging sagot ko. Wala akong ibang masabi maliban sa mga iyon. Tumulo na din ang aking mga luha dahil pagkaalala ko kung paano ako tignan ng paninisi ni Frances sa nangyari kay Christina na siyang sumira na sa araw ng engahement party nila.