NAYELI "Nayeli, anak, dalian mo d'yan at naghihintay rito ang driver ng mga Cardion!" Sigaw ni Mama sa baba. Hindi ba niya nakikitang naghahanda ako rito para mainlove agad sa akin si Zack. Si Mama talaga panira. Pinasadahan ko pa ang aking sarili bago ko kinuha ang shoulder bag ko at lumabas ng k'warto baka umakyat na rito si Mama at kurutin ako sa singit. "I'm here, Ma. Your pretty, sexy and hot daughter is here already, Ma." Sabay pose ko sa kanila at lumakad palapit sa kanila ni Papa. "Mana ka talaga sa akin, Anak. Galingan mo ha? Dapat mainlove agad sa'yo ang nag-iisang anak nila Doña Clara." Sabay pagpag nito ng aking dress sa laylayan. Naka-black dress ako na may slit sa kaliwang parte at kita ang aking likod. Winavy ko rin ang aking buhok na at nilagyan ng clip sa aking k