NAYELI "Alam mo napakapabebe mo, Zack! Ako nga lumalapit sa'yo, e. Sa ganda ko ito at ubod ng sexy ayaw mo sa akin?" Kausap ko sa kanyang poster na nakadikit sa dingding ng k'warto ko. "Pasalamat ka ngang pumayag akong magpakasal sa'yo. Ang tanda-tanda mo na buti nga papatulan pa kita!" Kausap ko pa rin ito at tinaasan ko pa siya ng isang kilay ko. "Paano ka ba mahuhulog sa akin, ha?" Padapang humiga ako sa aking kama at malalim na huminga, "ano nga ba gusto ng isang lalaki sa isang babae?" Ngumiti ako sa aking iniisip. "Oo nga naman, iyon naman talaga ang kailangan niyong mga lalaki. Kaming mga babae." Napabangon ako at di-nial ang number ni Mamita. Binigyan niya akong calling card incase na may kailangan akong tanungin tungkol sa anak nilang si Zack. Isang ring palang ay sinag