NAIIA "Kaya pala lokong-loko ang kaibigan ko sa inyo." Nagulat ako sa kanyang sinabi. May naglalaro sa kanyang mga ngiti. "Sorry, Mister. We don't know you, excuse us." Sagot ni ate Nayeli sa lalaking humarang sa amin at hinila niya ang aking kanang kamay, nilagpasan siya. "I'm Theodore Morris, Nayeli and Naiia. Isa sa mga kaibigan nina Brent and Zack." Napakislot ako at ramdam kong napahinto rin si ate Nayeli. "Wala kaming kilalang Brent and Zack, Mister - who you are. Nagkakamali kaya yata ng pinagtatanungan." Seryoso ang boses ni ate Nayeli, ngayon ko lang siyang nakitang naging ganito. "Ms. Nayeli Pilak," lumakad ito palapit sa amin, kinabahan ako. "Hindi mo alam kung ano na nangyayari sa kaibigan ko, that day kung kailan iniwan mo siya. Hindi mo man lang siya hinintay na