SALLY “Urgh! Bakit ngayon ka pa talaga umulan kung kailan naka-white shoes ako, huh?” Kausap ko sa aking sarili habang tinitignan ang sapatos kong puti na nagiging itim na ngayon. “L1nt1k na putik na ito, pahirapan na naman maglaba mamaya!” saad ko pa at lumakad na papunta sa bar na pinagta-trabauhan ko. Napahinto ako sa aking paglalakad nang may makitang komisyon sa hindi kalayuan sa akin. May nakita akong tatlong tao na nag-uusap ngayon doon, dalawang lalaki at isang babae. “You‘re such a plāybøy!” Nagulat ako at napailing na lang ng makitang sinampal ng babae iyong lalaki. “Wooh!” Iyon na lamang ang lumabas sa aking bībīg dahil sa pagkabigla ko. Pagkatapos ng pagkasampal niya roon sa isang lalaki ay tumakbo sa gawi ko ang babae at kita ko ang luhaan niyang mukha. “Tsk, mag-jo