SEASON 2: CHAPTER 1 Ilang buwan na ba ang nakakalipas ng umuwi ako rito sa probinsya nila Mama. Ilang buwan na rin ng mapagpasyahan kong dito muna manirahan sa bahay nila Mama, wala ng tao rito buhat kunin ni Tita si lola papuntang Australia para makasama nila. Ang umaagapay lang sa akin dito ay sina Nanay Sabel at Tatay Solomon, isang mangingisda si Tatay Solomon dito sa Bayan ng Torrijos, isa kasi ang pangingisda sa hanap-buhay na mayro'n sila. Sinasampay ko ang mga damit na aking nilabhan sa may ilog, malapit lang dito niyon sa aming tinitirahan. Halos lahat ng mga tao rito roon naglalaba maging ang mga anak nilang maliliit ay naliligo na rin doon. Nasa likod bahay ako at nagsasampay ng mga damit ko ng makita ko si Nanay Sabel sa likurang bahay rin nila, kumukuha siya ng mga bung