NAIIA PILAK "Ilan beses ko bang sasabihin sa inyo wala rito ang ate ko!" Hindi ko na napigilan sumigaw dahil paulit-ulit ko na lang sinasabi sa kanila na wala ang ate rito. Pero, pabalik-balik sila. "Please, tell me where's Nayeli it is?" Napatampal na lang ako sa aking noo ng lumuhod itong si Zack sa harap ko, isama mo pa iyong aso niya. "Ilan beses ko na sinasabi sa inyo, hindi ko rin alam kung saan tinago nila Mama si ate! Kung alam ko lang edi sinabi ko na sa inyo para hindi niyo na ako ginugulo rito!" Huminga ako nang malalim, "please lang po Mr. Zack, iniwan ka na ng ate ko, pinaubaya ka na roon sa... Ano nga pangalan nu'n? Ah! Iyong Aranis, pinaubaya ka na niya roon. Kaya 'wag ka na manggulo pa! Shupi!" Pagtataboy ko sa kanila. Isasarado ko na sana ang pinto pero humarang p