NAYELI "Ma! Pa!" masayang bati ko sa kanila. "Lumuwas po talaga kayo!" Hindi ko pa rin maitago ang aking ngiti. Pinapasok ko sila sa bahay. Tatlong bag ang dala nila ni Papa. "Buti po maayos lang ang naging byahe niyo pauwi po rito," ani ko sa kanila. Gumawi ako sa kusina namin na kita rin naman kung sa'n nakaupo sila Mama. Kumuha ako ng isang malamig na pitchel at dalawang baso. Nilapag ko iyon sa maliit na sala table namin. "Inom po muna kayo, 'Ma, 'Pa." offer ko sa kanila ng tubig at naki-upo aa tabi ni Mama. Namiss ko sila kahit ilang buwan pa lang ang nakakalipas ng gumawi ako rito sa probinsya. "Nayeli, anak, maayos na ba ang lagay mo?" Napatingin ako kay Mama ng itanong niya iyon. Wala naman na akong gaanong nararamdaman p'wera sa paminsan-minsang pagkirot ng aking dibd