MIYUKI
"Miyu? May payong ka ba mamaya? Malakas ulan! Makikisabay ako." Gagang 'to makikisabay pa. Ang liit na nga lang ng payong ko.
"Maliit lang payong ko, Dette. Kay Gabo ka na sumabay mamaya." Sabi ko rito.
Kanina pa hindi tumitigil ang ulan. May bagyo yata. Tngina. Kawawa iyong bahay ko.
Nakatingin lang ako sa bintana, "ang lakas ng bugso ng ulan, ano? May bagyo nga raw. Signal #2 na yata. Maya-maya lang mag-aannounce na ng suspension ng klase."
Napakunot ako ng noo. Mahirap talaga kapag walang tv at internet. Hirap sumagap ng balita.
"Signal #2 tayo?" Nagulat sila sa akin.
"Oo, Miyu. Mukhang aabot hanggang signal #3. Sobrang lakas daw ng bagyo ngayon. May suspension mamaya." Napatango ako sa kanilang dalawa.
"Hala, Miyu! Iyong bahay mo baka tinangay na ng hangin." Oh! Tngina!
Napatayo kami ng magsigawan ang estudyante sa labas.
"Wala na raw pasok! Uwian na raw!" Sigaw ng kaklase kong papansinin.
Lahat sila mga nagsigawan. Akala mo mga high school. Nag-signal #2 pa, bago kami pauwiin. Langya! Akala nila immortal kami.
Nagpahuli na kami ni Dette na bumaba. Ayaw naming makisabay sa bugso ng mga tao sa baba. Magka-stampede pa.
Nang bumaba kami, wala ng gaanong estudyante. Mga estudyanteng naghihintay ng sundo ang mga nandito. Ang iba ay walang dalang payong. Alam nilang umuulan tas di nagdadala? Galing!
"Miyu! Dito!" Nakita kong kumakaway si Marga. Nasa canteen sila. Pinasilong ko muna si Dette sa maliit kong payong at tumawid sa canteen.
Tinext ko kasi si Marga na wag mo ng aalis. Makikisabay si Dette sa kanila.
"Isabay niyo na si Dette pauwi. Walang payong niyan. Mauuna na ako sa inyo. Baka tinangay na iyong bahay ko!" Sabi ko sa mga 'to.
"Sige, kami na bahala kay Dette. Ingat ka, Miyu! Babye!" I wave at them.
Sobrang lakas ng hangin. Walang effect iyong payong namin sa sobrang lakas. Nababasa pa rin ako.
May mga nakakasabay ako sa paglalakad. May iba kasing schoolmates ko na ka-street ko lang.
Biglang humangin ng malakas kaya mga nagsitaasan ang mga palda ng mga babaeng kasabayan namin. Buti na lang slacks iyong amin.
Pagkarating ko sa street namin, natatanaw ko pa ang bahay. Buti naman. Kung hindi matutulog akong basang-basa sa ulan.
Kinapa ko ang susi sa aking bulsa, ng makapa ko ay agad na binuksan ko ang pinto.
Nagulat ako ng makita ko siya. Anong ginagawa niya rito? Paano siya nakapasok?
"A-anong ginagawa mo sa bahay ko? Paano ka nakapasok?" Sigaw ko rito habang nakaturo.
Nakita ko siyang nakatayo, "dito," sabay turo sa dingding ng bahay kong nasira na.
Oh, tngina!
"I-iyong bahay ko!" Pinuntahan ko ito at sira na nga.
"D'yan ako dumaan. Naalala kita, baka masira bahay mo at wala kang matulugan. So, sa penthouse ko?" Napalingon ako sa kanya.
Really?
"Ilang minuto lang, guguho na itong bahay mo. Signal #3 na ang Metro Manila, Miyu. Kailangang mo talagang sumama sa akin." Bakit napakadali lang para sa kanya na sumama ako?
Paano iyong reputation ko?
"Sa iisang penthouse? Tayong dalawa? No way, doc Jayden. Kahit crush kita, hindi!" Napatakip ako ng aking bibig.
Bakit ang daldal mo Miyu!
Ngumisi lang ito sa akin, "don't worry, Miyu. May penthouse has two bedrooms. One for you and one for me. Don't worry about my parents, kagaya ng sinabi ko, alam nila about sa'yo."
Ayoko sumama pero kung magi-stay ako rito, baka magkasakit ako.
Dahan-dahan akong tumango sa kanya.
"Good." Pumalakpak ito at may lumabas na limang lalaking naka-suit.
"Kunin ang lahat ng gamit niya at dalhin sa penthouse ko." Ani niya roon sa mga lalaki. Tumingin ito sa akin, "Come on, Miyu? Alam kong nilalamig kana."
Hinawakan niya ako sa aking balikat. Pakiramdam ko, gumaan ang aking nararamdaman. Biglang uminit ang paligid ko.
Pinasakay niya ako sa kanyang kotse at pinaharurot ito.
"P-paano iyong gamit ko?" Takang tanong ko rito.
"Darating iyon maya-maya sa penthouse. For now, need mo ng kumain."
##
Pagkarating namin sa penthouse, sobrang laki. Sakop ang isang floor para dito.
"Sa inyo ba ito?" He just nod.
"Business ng parents ko. Pero, I'm a doctor... Feel at home," tumango lang ako rito at tinanggal ang aking sapatos, nilagay ko ito sa shoe rack niya.
"Here," may nilapag siyang slipper sa akin. Mabalahibo.
"Thanks." Ani ko at sinuot.
"Sa kitchen muna, magluluto ako ng hot soup." Ta's kinindatan niya ako.
Naglibot ako rito. Tinignan ko ang picture frame na nandito. Dalawa lang ba sila magkapatid? Si Jessi, siya at ang parents lang nila ang nasa picture.
Tngina? It is real? Picture ko 'to ha?
Pinunasan ko pa ito at hiningahan, ako talaga ito! Kinuha ko ito at pinakita kay Jayden.
"Ako to ha? Kailan mo 'to kinuha?" I asked.
Lumingon siya sa akin. Kumunot ang kanyang noo. Mukhang inaalala.
"Ah... Kay Jessi galing niyan. From her phone." What?
"Really? Pero, di ako nagseselfie sa phone niya! We're friends in otaku world pero sa school? Hindi! Kaya, sa'n mo to kinuha?"
Naaalala ko 'to. Third year ako rito. Look at my id, sa baba ng id ko may color pink. It's color coding sa university.
Ngumisi ito sa akin, " okay! Akala ko naman makakalusot na." Humarap ito sa akin.
Hinablot niya ako at nilapit sa kanya. Tinitigan niya ako ng mabuti, "I stalk you, Miyu... Ngayong nandito ka na, hindi ka na makakaalis sa akin."
Napalunok ako sa sinabi niya.
Pero, laking gulat ko na halikan ako nito sa aking labi. Akala ko mabilis lang ang magiging halik niya pero lumalim ito.
Hinawakan niya ang aking p'wet at pinisil ito kaya napabuka ako ng aking labi. Pumasok ang kanyang dila sa aking bibig at naghalughog ito sa akin.
Napahawak ako sa kanyang batok, sa kanyang buhok at doon kumapit. He's so wild dahil ba ito sa panahon. Pati ako nag-iinit na rin.
Bumaba ang kanyang halik sa aking panga, akala ko magtutuloy-tuloy pero huminto ito ng makitang kumukulo na ang niluluto niya.
Humiwalay siya sa akin at tinitigan ako nito.
"Umupo ka na d'yan, Miyu. Okay na 'tong soap na niluto ko." Tumango ako rito at parang na-hipnotismo ako. Kusa akong umupo.
Hindi ko alam pero, ano bang nangyayari sa akin? Bakit bumigay ako sa kanyang halik.
Pagkatapos naming kumain, dinala niya ako roon sa room na gagamitin ko. Maganda ito. Hindi ko alam kung paano siya nagkaroon ng ganitong pambabaeng room.
Baka kay Jessi?
"Here's your things, Miyu... Rest well, okay? If you need anything, just knock on my door, okay?" I nod. Tinuro niya ang pinto sa tabi ng k'warto ko. Kada room may cr sa loob.
Sinarado niya ang pinto at lumabas.
Kinuha ko ang aking mga gamit at inayos sa closet. Dito na ba talaga ako titira?
Pagkatapos kong salansahin ang aking mga gamit, naalala ko na naman iyong halik niya kanina.
"Argh! Miyu naman! Ba't pumayag kang halikan ka ni doc Jayden?"
"Diba nga crush mo si doc Jayden? Okay na iyon atleast my first kiss ka."
Nababaliw na ako. Kinakausap ko sarili ko.
Sana bukas tumila na ang ulan pero mukhang malabo kung ganitong kalakas ang patak, kidlat at hangin ng ulan.