ALISSE Nagising ako dahil sa katok na nagmumula sa pinto. What the hell? Hindi ba nila alam na tulog ako? Dahil walang sumasagot sa kanila? Pumunta muna ako sa bathroom, bahala siyang maghintay d'yan. Umihi ako, nagmumumog at naghilamos. Chineck ko ang aking face baka may laway. Wala naman. Binuksan ko ang pinto, bumungad sa akin ang tour guide naming babae. "What do you want?" Ani ko. Alam niyang nagpapahinga. "Ms. Porter," basa niya sa kanyang papel, "there's someone in the lobby. He said na kasama niyo raw po siya." Huh? Kasama? He? Wala naman akong kilala. Wala rin akong friend na lalaki. "Huh? Baka nagkakamali ka lang, Ms. Wala akong kasama. Ako lang iyong nag-fill up ng form sa inyo. Baka nagkakamali ka. Excuse me." Tatalikod na sana ako pero binaggit niya ang pangalan. "Hi