Twenty years later… “Jarold, wala ka pa bang plano na mag-asawa? Thirty ka na sa darating kaarawan mo. At kahit yata girlfriend ay wala ka pang ipinakilala sa amin ng mama mo?” “Wala pa nga daddy, hindi rin naman po ako nanliligaw. Gusto ko muna na maging isang magaling na piloto.” “May gusto sana akong ireto sayo anak kung papayag ka.” “Sino naman yon daddy? Baka hindi rin ako magustuhan ng babaeng yon.” natatawa siya sa ama, parang mapa tulad siya sa pinagdaanan nito. “Papayag ka ba anak, kung sakali?” “Okay lang naman po kung magugustuhan niya ako. Hindi naman ako namimili ng babae.” “Anak ni James, ang dating bodyguard ng Uncle Vency mo. Napakagandang bata at mabait pa. Alam kong maging mabuting asawa at ina ng magiging mga anak mo.” “Ano na naman ang pinaplano mo kay Jarold? H