“Saan tayo pupunta JC, bakit hindi natin kasama ang mga bata?” “Hindi naman tayo magtatagal sa pupuntahan natin mahal.” “Ano ba kasi ang gagawin natin doon? Alam mong hindi mapapa lagay ang loob ko ng malayo sa mga bata.” “Hindi ko pwedeng sabihin sayo, kaya huwag mo na akong kulitin.” “Humn… “Huwag ka na magtampo mahal, promise magugustuhan mo ang pupuntahan natin.” Sakay sila ng chopper, at dahil ayaw nang makipag usap ni JC, sa asawa ay inalis niya ang headset. Hindi kasi ito titigil hanggang hindi niya sinasabi ang totoo. Few hours later…. “Wow! Anong gagawin natin dito, ang ganda?” “ Nagustuhan mo ba?” “Yes, napakaganda parang isang paraiso ang lugar.” “Alam mo baby, ang lugar na ito ay maraming history. Ang sabi ni Daddy, ay dito nagsimula ang pag iibigan nila Lolo Lan