Masarap ang kinakain nila ng biglang nakarinig sila ng pagkabasag. At nang lumingon sya ay dalawang lalaki ang patungo sa kinauupuan nila. “s**t! Takbo best!” “Langya! Kung kailan masakit ang gitna ko ay saka pa may eksina!” pagdating nila sa bandang likuran ng restaurant ay malawak na parking pala doon. Biglang lumitaw ang dalawang lalaki na. “Sa wakas, natagpuan ka rin namin!” “Sino ba kayo? At sino sa aming dalawa ang pakay mo?” “Kung ikaw si Flirty Little Demon, ay ikaw ang pakay namin.” “Anong kailangan nyo sa akin?” Gustong mag salita ni Pauline ngunit suminyas sa kaniya ang kaibigan. Kaya nanatili siyang tahimik at naghanda sa pakikipag laban. “Mas mabuting sumama ka sa amin ng maayos para hindi na madamay ang kasama mo.” “Bakit ako sasama sa inyo, hindi naman tayo magkaibi