Hindi na siya ang chairman sa Gonzalgo hospital magmula ng mag retiro ang biyenan ay ito na ang pumalit sa kaniya. Dahil iyon sa pakiusap nilang mag asawa sa kaniyang mama. At kaya lang siya napagawi doon, kagaya na lang ngayon. Dahil sa mga pasyente na siya ang hinahanap. Kalalabas lang niya mula sa mahabang oras ng katatapos na operasyon. Kaya’t naisipan niyang magtungo sa mansyon ng ama. Dahil na rin sa sasabihin nito na mahalagang bagay raw. Magmula ng lumipat silang mag anak sa mansyon Gonzalgo ay hindi na siya nakaka pasyal doon. Lalo na ng sunod sunod ang pangyayari sa buhay nila nang asawa. “Anak, mabuti at napadalaw ka, halika at tatawagin ko ang daddy mo. Tamang tama rin ang dating mo nasa likod ang dalawang kapatid mo.” “Salamat po mommy Cle, paki sabi kay dad doon na ako dumi