Makalipas ang ilang buwan, handang handa na ang Daddy ni Pauline sa gaganaping proposal. “Dad, masyado kang excited, para kang teenager na ngayon palang aakyat ng ligaw.” “Gano’n ba ako ka obvious anak?” “Sobra Dad, masyado mong mahal si Mama. at ngayon ko lang nakita na halos magkandarapa ka makita lang siya.” “Sorry anak, masyado ko lang mahal ang Mama Lalaine mo. Minahal ko rin naman ang iyong ina kaya lang hindi kagaya ng sa kaniya.” “Alam ko naman yon Dad, maaaring pinahahalagahan mo si Mommy. Dahil sa pananagutan mo sa kaniya, ngunit ang totoo ay hindi mo siya minahal. Kasi hindi naman maaaring dalawang babae ang sabay mong mamahalin.” “Siguro nga, kung hindi lang ako takot sa Lolo mo noon. Hindi ko naman pakakasalan ang Mommy mo. Dahil mahal na mahal ko ang Mama Lalaine mo. S