Athena's POV NASA pintuan na ako ng office ni Mr. Rossi. Ang sabi nila, noon daw minsan lang nilang nakikita si Mr. Rossi sa loob ng Mall kasi marami naman raw itong pinapatakbong negosyo. Pero ngayong nakaraang araw daw ay palagi itong dumadalaw at nagtatagal pa. Mahinang katok ang ginawa ko. Halos ayaw ko ngang gambalahin ang pintuan nito. "Come in!" isang baritonong boses ang sumalubong sa mga katok ko. Ilang beses pa lang akong kumatok ay pinapasok niya na kaagad ako. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Nakaupo sa swevil chair si Mr. Rossi. Umikot ito at humarap sa akin. Gamit ang seryosong mukha na napatingin sa akin. "Ms. Varquez, have a seat!" turo nito sa bakanteng upuan na nasa kaniyang harapan. Lumapit ako dito tsaka umupo. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan? Mab