Athena's POV Una kong nasilayan ang puting kisame. Sumunod na tumambad sa aking paningin ay si Mama Carmela. Ramdam ko ang sakit ng aking tiyan dahil sa tahi nito. "Gising ka na." Lumapit kaagad sa akin si Mama tsaka hinaplos ang aking noo. Bakit si Mama yung nandito? Bakit wala si Hades? "Nasaan po si Hades, Ma?" Napailing si Mama. "Ang lalaking iyon nauna pa mahimatay kaysa sa 'yo. Hanggang ngayon yata ayaw niya pa rin na nakakakita ng dugo." sagot ni Mama tsaka napailing-iling na lang. Gusto ko man matawa ngunit hindi ko nagawa dahil sa bawat paggalaw ko at pakiramdam ko kapag tatawa ako mapupunit ang tahi sa tiyan ko. "Si baby po?" hanap ko rin kaagad sa baby ko. Hindi ko pa siya nasisilayan simula nang kunin ito sa loob ng tiyan ko. Pinatulog kasi ako ng mga doctor kaya ng mak