Athena's POV NASA DINING table ang dalawa nang dumiretso ako sa kusina. Nakabusangot ang mukha ni Alyana nang madatnan ko habang pinapakain sila ni nanay Nelia. Lumapit ako kay Alyana. "What's wrong baby?" tumingala ito sa akin. Hindi pa rin nawawala ang busangot nitong mukha. Bago pa niya sagutin ang tanong ko ay dumating naman si Hades. "How are my kids? Nakatulog ba kayo ng mahimbing?" kaagad na tanong ni Hades nang makapasok ito sa kusina. Sabay na napalingon dito ang kambal. "Yes dad." kaagad na sagot ni Haden. "Daddy, bakit hindi kayo paalam sa 'kin? Bakit niyo kuha ang mama ko? Hindi siya tulog sa tabi ko doon siya tulog sa tabi mo. Hate you." natigilan ako dahil sa sinabi ni Alyana. Maging si Hades ay natulala at napaawang ang labi. Nang mahimasmasan si Hades ay kaagad na lum