Athena's POV Nakaupo si Hades sa swevil na parang wala lang sa kaniya habang hinihintay na dumating ang mga bago niyang employees. Habang ako hindi na mapakali. Nang dahil na naman sa akin baka matanggal niya ang mga ito. "Kanina ka pa paikot-ikot diyan. What's wrong?" takang-taka na tanong niya. "Ikaw kasi pinapupunta mo pa dito-" "Ang sabi mo magaganda ang employees ko. Ngayong tinatanggal ko ayaw mo naman. Ano ba talaga, wifey?" pagputol niya sa sasabihin ko. "Kasi ayaw ko namang ako ang dahilan kung bakit mawalan sila ng trabaho." hindi ako mapakali. "Huwag mo na lang isipin ang sinabi ko sa 'yo kanina." hindi pa rin ako mapakali. na-gi-guilty tuloy ako. Natigilan kaming pareho nang may kumatok sa pinto. "Sir, nandito na po ang mga bagong employees." sigaw ng babae sa labas ng