Chapter Four

1112 Words
Celestine's POV MADILIM pa rin nang magising ako. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kanina at napasarap dahil inabot na ng hating gabi. Ngayon lang ulit ako nakatulog nang mahimbing sa loob ng anim na buwan matapos makuha ang marka na nasa aking leeg. Tiningnan ko ang suot kong relo na nasa aking bisig. Alas-dos na ng gabi. Umalis ako sa kama at dumiretso sa bukas na balkonahe kung saan doon malayang nakapapasok ang malamig na hangin. Ikinalso ko ang aking mga kamay sa railings kuway tumingala sa madilim na kalangitan. Mukhang nagbabadya na may paparating na bagyo. Nagbuga ako ng hangin. Ngayong nandito na ako kasama ang lalaking gumugulo sa sistema ko ilang buwan na ang nakalilipas. Maaayos ko kaya ang gulong pinasok ko? Ngayong kasama ko na siya, ano na kaya ang mangyayari sa aming dalawa? Mabibigyan kaya ng kasagutan ang katanungan ko, kung bakit binigyan niya ako ng marka? Napabuntong-hininga ako. Parang may mabigat na nakadagan sa aking dibdib na hindi ko mawari. Mula sa pwesto ko ay naka ramdam ako na may tila nanonood sa’kin at doon biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib dahil pamilyar sa’kin ang ganitong pakiramdam. Ganitong-ganito ang pakiramdam ko noong unang beses kong nakita si Scoth, kaya hindi ako pwede magkamali sa nararamdaman ko ngayon. Luminga-linga ako sa paligid at awtomatikong dumapo ang mga mata ko sa balkonahe na nasa ikatlong palapag. There's a man standing in the dark while staring at me. Awtomatiko ring nagtama ang aming nga mata. Nang sumilip ang buwan sa ulap ay natamaan ng liwanag ang gwapo nitong mukha. Ang asul nitong mga mata ay tila kumikislap sa dilim. Scoth… Kasabay ng muling pagdilim ng paligid ay ang pagkawala ni Scith sa kinakatayuan nito. Tila namang sabik na pilit ko siyang tinataw, pero ni anino niya ay hindi ko na nakita. Patakbo akong bumalik sa loob ng kwarto at nagmamadaling lumabas. Mayroong mga wall lamp sa paligid na nagbibigay ng katamtamang liwanag sa pasilyo kaya hindi naman ako nahirapang puntahan ang hagdanan paakyat sa ikatlong palapag. Pagkuway ay pinuntahan ang kwarto kung nasaan ko nakita si Scoth. Pero bago pa ako tuluyang makalapit doon ay may nakita akong anino na palapit sa akin. Nakita ko ang mukha niya nang tumapat ito sa liwanag na nagmumula sa wall lamp. Si Scoth. Pero imbis na humakbang ako sa kanya palapit ay napaatras ako nang tila nakaramdam ako ng pag-iba ng awra nito. Siya ang nasa aking harapan pero bakit iba ang nararamdaman ko ngayon? Parang ibang-iba sa nararamdaman ko kanina nang makita ko siya? Ano ba ang nangyayari? "S-Scoth..." "Hating gabi na para maglibot ka pa. You don't know what the danger is." Galit na sabi nito. May iba talaga akong kutob. "B-babalik na lang ako sa kwarto ko." Iwas ko sa kanya. Nang akmang tatalikod na ako, pinigilan niya ako sa braso. "Sa susunod huwag kang lalabas ng kwarto mo ng ganitong oras. Tao ka at hindi ka namin kauri." Inis na sabi nito. Tumikhim ako at pilit na inaalis ang kabang nararamdaman ko ngayon. "N-nakita kasi kita sa veranda ng kwartong ‘yan. T-tapos bigla ka na lang nawala." "Ano?" nangunot ang noo nito na para bang hindi alam ang sinasabi ko. Totoong nakita siya, hindi ako pwedeng magkamali. "Babalik na ako sa kwar—" Nang muli ko siyang tatalikuran ay muli rin niya akong pinigilan sa braso. "Sinong nakita mo?" Nagtatakang tanong nito. Tinaasan ko siya ng kilay. "Ikaw. Sino pa ba?" Inis na binawi ko ang braso ko at patakbong bumalik sa aking kwarto. Naiinis na naupo ako sa gilid ng kama. Bakit ba nagpapanggap pa si Scoth na hindi niya ako nakita at hindi ko din siya nakita? Buntong-hiningang binagsak ko ang aking katawan sa kama. Bakit ba ganito din ang nararamdaman ko? Buntong-hiningang muli akong nahiga at pinilit ang sariling muling matulog. Scoth’s POV "Anong pumasok sa isip mo at dinala mo pa si Celestine dito? Sana ibinalik mo na lang siya sa kanila!" Sikmat ko kay Scar—Ang kakambal ko. Pinag-ekis naman nito ang mga braso sa tapat ng dibdib. "Walang mali sa ginawa ko," kalmadong sagot nito. "Ang pagtapak pa lang ng mga paa niya rito sa Garrette ay maling-mali na!" "Sana nag-isip ka muna bago mo binigyan ng marka ang babaeng 'yon!" Humakbang ito palapit sa akin at galit akong kinuwelyohan. "At alam mo ang p'wedeng mangyari sa oras na markahan mo ang babaeng 'yon!" Tiningnan ko siya pailalim. "Hindi siya basta babae lang, Scar!" "Yeah, right," sarkastiko nitong sabi. "But look at your self, nakagapos ka ngayon at walang magawa dahil sa sumpang mayroon tayo ngayon. What are you gonna do now, huh?" Naikuyom ko ang aking kamao. Kahit na gusto ko siyang saktan ngayon ay hindi ko magawa dahil mahina ako gawa ng silver chain na nasa aking katawan ngayon. Nagawa kong makatakas kanina pero muli nila akong itinali rito sa ilalim ng mansion. Alam ko na naging padalos-dalos ako nang bigyan ko si Celestine ng marka pero iniisip ko pa lang na mapupunta siya sa iba ay hindi ko matanggap. Nasa tiyan pa lang kami ng aming ina ay may isang Vampire Witch ang nagbigay ng sumpa sa rito dahil sa inggit na ang aming Ina ang pinili ng aming ama. Isang sumpa na ang magiging mga anak nila ay hindi magiging maligaya. Ang sumpa sa oras na makilala namin ang aming mga mate ay hindi na namin magagawang makontrol ang aming mga wolf. Sa pangamba ng aming mga magulang ay humingi sila ng tulong sa isang Babaylan at sinabi nito na ang pag-ibig lang ang makakapagpawalang bisa sa sumpa, pero hindi din daw magiging madali ang lahat. Mula ng gabing binigyan ko ng marka si Celestine ay nangyari na ang sinsabi sa sumpa at doon ko na hindi magawang kontrolin ang wolf ko gayon din kay Scar. Siya sa umaga at ako naman sa gabi. Dahil sa sumpang mayroon kami ay marami na rin akong napatay na kauri ko. Gusto kong pagsisihan ang nagawa ko, pero huli na ang lahat. "Paalisin mo siya rito," maya'y sabi ko. Tumaas ang kilay nito. "Paalisin? Bakit ko gagawin 'yon? Para hindi siya madamay sa problemang mayroon tayo ngayon?" Patuya itong ngumiti. "Mula nang lagyan mo siya ng marka ay damay na siya sa problemang ito kaya wala kang ibang p'wedeng sisihin kundi ang sarili mo! Kung gusto mo siyang umalis dito, ikaw ang gumawa!" Nagkasubukan kami ng tingin pero sa huli si Scar ang unang umiwas kuway galit na umalis ito at naiwan akong nagngingit-ngit sa galit. Nasabunutan ko ang sarili kong buhok. Shit! I'm so f****d up!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD