"Ano tifanny? Kaya mo pa ba?" Galak niyang tugon sakin Di ko na kaya to, ayoko na! Ang sakit! Bakit si mat pa talaga? Gusto kong makalimot sa lahat lahat, gusto kong maglaho at takasan, pero hindi ko magawa, ang hirap! Tinignan ko si mat, na hanggang ngayon ay nakatali parin sa upuan, katulad ko. "Tif, sorry" Parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko, Sorry? Ganun ganun nalang yun? Tatanggapin ko ba ang sorry niya? Dapat ba? "Kawawang tifanny, bakit sa dinami daming lalaki sa mundo, ito pang manlilinlang, sinungaling na ito? Haha! Ang liit nang mundo" Halakhak niyang tugon samin ni mat. Tangina mong hayop ka! "Hayop ka! Tang-ina mong hayop ka! Bakit mo ba to ginawa!" Galit na sigaw ni mat. "Para pahirapan ka, kayo!" Ngiting sagot ng lalaki na nakaharap samin hanggang ngayon.