Ewan ko kung 'bat ako dinala nang mga paa ko dito, isang matahimik na lugar, tanging ako lang ang nandito. umupo nalang ako sa isang bakanting upuan, tsaka lumuhod. "karapat dapat ba akong humingi nang tulong sayo? oo aaminin ko minsan lang kitang bisitahin, pero pagbigyan mo naman ako o! kahit isang pagkakataon lang? kung pwede lang sana huwag mo sanang kunin sakin pati ang nanay ko" bulong ko pa. "tinanggap ko, pilit kong tinaggap ang pagkawala nina papa, tsaka si ate, pero please naman o! huwag mo namang ubusin sakin ang pamilya ko! kahit isa lang! isa lang! si mama!" unti unti nanamang umagos ang mga likido galing sa aking mga mata. "di ko nga maiwasang tanungin, bakit ako pa? may nagawa ba akong kasalanan sayo ha?" pumikit nalang ako tsaka yumuko at sinandal ko ang aking ulo sa