Pinagmasdan ko parin syang nagluluto, iwan ko pero di ako nagsasawang pagmasdan sya eh, unbelievable. Maya maya bumalik nalang ako sa sala, nalalimutan ko, nakabukas pala yung TV. Humiga nalang ako sa malambot nyang corner set tas tinutok ko yung mga mata ko sa tv. Habang nanonood ako sa palabas, agaw pansin sakin yung picture frame, isang picture frame na isang lalaking makahubad at tanging boxer lang ang suot neto ang laman. Iwan ko pero nangangati ang kamay ko para kunin to eh. Nanlaki ang mga mata ko, Ang hot nya! Yun bang sa commercial model? sa mga men underwear? Kapansin pansin pa yung hot post nya, Nagmomodeling pala sya dati? bakit di ko alam? "Sana sinabi mong gusto mo pang titigan ang hot kong katawan, okay lang na maghubad ako sa harapan mo" Waaaah! Halos malaglag ko